News Releases

English | Tagalog

"The Broken Marriage Vow" pilot, "Marry Me, Marry You" finale, unang mapapanood worldwide sa iWantTFC

January 19, 2022 AT 01:53 PM

May bagong episodes din ng “F4 Thailand” at “Not Me”

Una at libreng mapapanood ng iWantTFC users sa buong mundo ang inaabangang pagsisimula ng ABS-CBN drama series na “The Broken Marriage Vow,” ang Philippine adaptation ng “Doctor Foster,” at ang pagtatapos ng “Marry Me, Marry You” nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez dalawang araw bago ito ipalabas sa telebisyon.

Mapanggigigilan na ng buong mundo ang “The Broken Marriage Vow” simula ngayong Sabado (Enero 22), 8 PM kasama sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, at Jodi Sta. Maria. Sundan ang masalimuot na kwento ni Dra. Jill Ilustre (Jodi) at ang pagbaliktad ng mundo niya kapag nalaman niyang pinagtataksilan siya ng mister na si David (Zanjoe) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez).

Alamin kung may ‘merrily ever after’ ang love story nina Andrei at Camille (Paulo at Janine) sa finale ng “Marry Me, Marry You” ngayong Miyerkules (Enero 19). Nanganganib pa ring hindi matuloy ang enggrandeng church wedding nina Andrei at Camille kahit naaresto na si Laviña (Teresa Loyzaga). Nadala na kasi si Patricia (Iana Bernardez) sa kanyang kahibangan kay Andrei kaya pilit niyang ilalayo ang anak nila at pagbabantaan ang buhay ni Camille para mapasakanya na si Andrei.

Hatid din ng iWantTFC ang bagong season ng original series nitong “Click, Like, Share” tampok sina Vivoree Esclito, Elmo Magalona, Jane Oineza, JC Alcantara, Shanaia Gomez, at Belle Mariano tuwing Miyerkules, 8 PM. Tungkol ito sa mga napapanahong kwento at aral na nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga mahal sa buhay.

Napapanood na rin ng iWantTFC users sa Pilipinas ang mga nakakakilig na Thai series tulad ng “F4 Thailand: Boys Over Flowers” tuwing Sabado at ang tambalan nina Off Jumpol at Gun Atthaphan sa action-drama serye na “Not Me” tuwing Lunes. 

Magiging available naman ang Thai boys’ love serye na “Enchanté,” tampok ang kwento ng isang lalaking pinag-aagawan ng apat na naggwagwapuhang heartthrobs. Mapapanood ito na may English subtitles sa Enero 28 sa Pilipinas kasabay ng pag-ere nito sa Thailand, at magkakaroon din ito ng Filipino-dubbed episodes sa Pebrero 3.

Libre ring nae-enjoy sa iWantTFC ang pinakabagong episodes ng paboritong mystery game show ng bansa na “I Can See Your Voice” kasama ang host na si Luis Manzano. 

Samantala, patuloy na mapapanood ang pelikulang “Love Is Color Blind” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa halagang P249 kada ticket. 

Nariyan din ang nakakaantig na inspirational drama series na “Dear God,” kung saan tampok sina Piolo Pascual, Lara Quigaman-Alcaraz, Harvey Bautista, Kris Bernal, Joross Gamboa, Vina Morales, at Riva Quenery. Mapapanood ito sa halagang P249 o US$4.99.

Mae-enjoy ang mga ito kapag nag-download ng iWantTFC app (iOs at Android) o magrehistro sa iWantTFC website (iwanttfc.com). Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.