News Releases

English | Tagalog

Pagpasok ng swerte ngayong bagong taon, sagot ni Stargazer sa “Pinoy Vibes”

January 19, 2022 AT 12:09 PM

Resident psychic ng FYE Channel, tatalakayin ang ‘realistic positivity’ para sa mas masayang 2022
 
Patuloy sa paghahatid ng positibong vibes at inspirasyon ang psychic at life coach na si Stargazer sa kanyang lingguhang digital show na “Pinoy Vibes,” na napapanood sa FYE Channel sa kumu tuwing Linggo, 8 pm.
 
Para sa unang dalawang buwan ng 2022, tatalakayin ng dating DZMM Teleradyo host kung paano papapasukin ang positibong enerhiya sa bawat tahanan. “Pag-uusapan natin sa ‘Pinoy Vibes’ ang realistic positivity, paano mapagaan ang buhay ngayong pandemya, paano papasukin ang peace at harmony sa bahay, at paglilinis at pag-declutter para pumasok ang swerte ngayong Enero at Pebrero,” aniya. 
 
Patuloy din ang programa sa pagtalakay ng usaping paranormal at mga topic na relatable at mahalaga sa panahon ngayon, ayon kay Stargazer.
 
Tututukan din niya ang usaping human behavior kasama si Dr. Cherry Raneses na isang trauma interventionist at therapist. Meron ding tarot reading para masilip ang hinaharap kasama ang guest readers na sina Nico Reyes at JJ Posadas.
 
Napanood ang “Pinoy Vibes” mula noong 2007 hanggang 2020 sa DZMM na nagsilbing source ng good vibes ng maraming Pilipino. Taong 2021 nang magsimula ang programa sa FYE Channel sa kumu, hatid ang aura reading at guide ni Stargazer para sa mga kumunizen. Kamakailan ay ibinahagi rin niya ang kanyang 2022 predictions sa YouTube.
 
Panoorin ang “Pinoy Vibes” kasama si Stargazer sa FYE Channel (app.kumu.ph/fyechannel) tuwing Linggo, 8 pm. Para sa detalye, sundan ang @fyechannel sa Facebook at Instagram.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE