News Releases

English | Tagalog

Jona, bibirit muli sa 'ASAP Natin 'To' live ngayong Linggo

January 21, 2022 AT 09:06 PM

Jona returns to 'ASAP Natin 'To' live this Sunday

Celebrate the comeback of one of the country's brightest vocal queens as Jona performs her newest single, "Someone to Love Me"

Abangan ang pa-birthday ni Francine Diaz at ang pagdating ng mga bituin ng 'The Broken Marriage Vow' kasama si Angeline Quinto
 
Todo-todo ang mga selebrasyon sa ASAP stage dahil sa pagbabalik ni Jona, pa-birthday blowout ni Francine Diaz, at ang kick-off treat ng teleseryeng "The Broken Marriage Vow" live na live ngayong Linggo (Enero 23) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Huwag palampasin ang pagbabalik-ASAP stage ng birit queen na si Jona para awitin ang kanyang panibagong single na "Someone to Love Me."
 
Tuloy-tuloy rin ang party vibes sa pasabog na 18th birthday celebration ni Francine Diaz, habang may kani-kanilang breakthrough performance naman sina KD Estrada at Alexa Ilacad, pati si Gigi de Lana kasama ang buong GG Vibes Band.
 
Maki-rakrakan sa hits ng King of Rock na si Elvis Presley kasama ang inyong "ASAP Natin 'To" family, tulad nina Janine Gutierrez, Jason Dy, at iba pa. Kasama rin sa live party ngayong Linggo si Robi Domingo.
 
Hatawan to the max ang hatid ng trending hits showdown nina ASAP dance royalty Kim Chiu, kasama sina Charlie Dizon, Krystal Brimner, Karina Bautista, Jin Macapagal, at Jameson Blake. Samantala, hindi rin pahuhuli sa kantahan at sayawan ang ASAP heartthrobs na sina Kyle Echarri, Jeremy Glinoga, at Darren.
 
Abangan din ang pagdating ng cast ng inaabangang teleseryeng "The Broken Marriage Vow" na sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Jane Oineza, Franco Laurel, Migs Almendras, Sandino Martin, Brent Manalo, at Susan Africa kasama ang power diva na si Angeline Quinto.
 
Bigay-todo rin ang iba pang kantahan sa ASAP stage, tulad ng "Chicago" hits tapatan ng New Gen Birit Singers na sina Janine Berdin, Reiven Umali, Sheena Belarmino, at JM Yosures; at ang Diana Ross medley nina from Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, at Regine Velasquez.
 
At handa namang magbigay inspirasyon ang inyong paboritong Kapamilya singers na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, KZ, Nyoy Volante, Lara Maigue, Klarisse de Guzman, Jed Madela, Erik Santos, Jona, Yeng Constantino, at Regine Velasquez kasama rin sina Kyle Echarri, KD Estrada, Alexa Ilacad, Sheena Belarmino, Reiven Umali, at Angela Ken.
 
Talagang bigatin ang mga selebrasyong hatid ng longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.