News Releases

English | Tagalog

Alyssa at Anji, wagi bilang Celebrity Kumunity Top 2 sa “PBB"

January 03, 2022 AT 04:29 PM

Alyssa and Anji, hailed as Celebrity Kumunity Top 2 of “PBB”

The Heartstrong Phenom of Batangas and Singing Sweetheart of Siargao won P100,000 each and are still in the running to become Big Winner of the season versus the Top 2 housemates of the Adult Edition and Teen Edition.

“PBB Kumunity Season 10” Adult Edition, nagsimula na!
 
Pagkatapos ng mahigit labing-isang linggo, nagtapos na ang Celebrity Edition ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” kung saan itinanghal na Celebrity Kumunity Top 2 sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.
 
Wagi ng tig-P100,000 ang Heartstrong Phenom ng Batangas at Singing Sweetheart ng Siargao na lumabas na sa Bahay ni Kuya noong Linggo (Enero 2) habang isa-isa namang ipinakilala ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Enchong Dee ang mga opisyal na housemate ng Adult Edition. Magkakaroon din ng Top 2 ang Adult Edition at Teen Edition at sila ang makakalaban nina Alyssa at Anji para sa titulong Big Winner ng season na ito.
 
Nanguna sina Alyssa (22.63%) at Anji (13.60%) sa final tally of votes na pinagsamang Kumu at SMS votes pagkatapos ang 10 million diamonds challenge para sa Final 5 noong nakaraang linggo kasama sina Samantha Bernardo (13.53%), Madam Inutz (13.03%), at Brenda Mage (2.84%).  
 
Samantala, tampok sa tinaguriang “The Big Arrival” ang magkapatid na si Nathan Juane (Ang Pursigidong Papiloto ng Las Piñas) at Raf Juane (Ang Ms. Beauty Kabo-guru ng Las Piñas), sina Seham Daghlas (Ang Brightminded Darling ng Iloilo),  Zach Guerrero (Ang Smilennial Charmer ng Aurora), at Aleck Iñigo (Ang Most Valuable Rider ng Las Piñas).
 
Nakilala na rin ng taumbayan sina Thamara Alexandria (Ang Headstrong Hottie ng Davao), Michael Ver Comaling (Ang Mr. Pentastic ng Leyte), Isabel Laohoo (Ang Bubbly Boss Lady ng Leyte), Laziz Rustamov (Ang Modelskarteng Breadwinner ng Uzbekistan), at Gin Regidor (Ang Surviving Sementeryo Girl ng Cebu).
 
Inanunsyo na rin ang tatlong pang Adult Housemates na makakasama nila na mga nanalo naman sa Online Bahay ni Kuya sa Kumu. Si Andrei King ang Male Kumunity Winner, si Kathleen Ghrasse Agir ang Female Kumunity Winner, at si Roque Coting Jr. naman ang LGBTQIA+ Kumunity Winner.
 
Samantala, agad na sumabak ang sampung Adult Housemates sa hamon bago pa makapasok ng Bahay ni Kuya. Sina Raf at Nathan naman, kailangan ding magpanggap na hindi magkapatid bilang kanilang secret weekly task, kung kayat nagpakilala si Nathan bilang “Policarpio.”
 
Abangan din ang reunion ng Celebrity Housemates sa Kumulitan weekday show kung saan makakasama na rin si Robi nina Bianca Melai, and Enchong. Ang iba-ibang Celebrity Housemates naman ang makakasama tuwing 9 pm  sa “Kumunity G sa Gabi” simula kay Eian Rances na magsisilbing host nito mula Enero 3 hanggang Enero 7.
 
Sundan ang teleserye ng totoong buhay tampok ang bagong kumunity sa Bahay ni Kuya sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.     
 
Tumutok din sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend.  I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu.  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.