News Releases

English | Tagalog

Kaila, pinahiya at ibinuking si Charlie sa “Viral Scandal”

January 06, 2022 AT 10:44 AM

Kaila, humiliates and reveals Charlie’s secret in “Viral Scandal”

"Viral Scandal" airs weeknights at 9:20 p.m. on Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV, and iflix

Number 1 sa WeTV iflix….
 
Naganap na ang pinakakinatatakutang mangyari ni Rica (Charlie) matapos siyang pahiyain ni Raven (Kaila Estrada) sa buong Balai Arkitektura at sabihin ang tungkol sa kanyang viral video nitong Miyerkules sa "Viral Scandal” na nagtop sa Hot list ng “WeTV iflix.
 
Pinaratangan ni Raven si Rica na isa itong sinungaling matapos daw ipakalat na rapist ang kanyang pinsan na si Jigs (Markus Patterson). Hindi naman nanahimik si Rica at ipinaglaban niyang totoong na-rape siya ng lalaki ngunit nang makita ang mukha ng kanyang mga katrabaho ay natakot siya at pinili na lang takbuhan ang mga ito.
 
Dahil sa nangyari, nahimatay si Rica nang makarating sa kanilang bahay habang ipinaliliwanag kay Kakay (Dimples Romana) ang nangyari.
 
Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Kyle (Joshua Garcia) ang dalaga kay Raven. Sinabi niyang walang karapatan ito na pahiyain ang babae. Inutusan niya itong umalis sa Balai Arkitektura.
 
Matakot kaya si Rica na bumalik sa Balai Arkitektura at ipagpatuloy ang kanyang pagtratrabaho dito? Hanggang saan naman ilalaban nina Kakay at Audrey (Maxene Magalona) ang kani-kanilang pamilya?
 
Samantala, huwag naman palampasin ang pagrelease ng original song nina Karina Bautista at Aljon Mendoza “Kulit ng Pag-ibig” sa lahat ng streaming platforms ngayong Enero sa produksyon ng Star Music.
 
Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.