News Releases

English | Tagalog

Brian McKnight Jr. at Kyla, nagsama para sa love song na "COY (Cuz of You)"

October 14, 2022 AT 05:28 PM

Brian McKnight Jr., Kyla drop song collab "COY (Cuz of You)"

"COY" official music video stars Anji Salvacion and Brent Manalo.

Anji Salvacion, Brent Manalo bida sa “COY” MV
 
May magandang kolaborasyon ang international hitmaker na si Brian McKnight Jr. at ang R&B royalty ng Pilipinas na si Kyla, ang love song na “COY (Cuz of You).”
 
Mula sa panulat ni Junior (Brian) ang kanta na tungkol sa katahimikan at seguridad na nararamdaman ng isang tao kapag kasama ang minamahal.
 
“I actually wrote this song around the same time that I wrote ‘Marry Your Daughter.’ It's really interesting because I was dating someone at the time when the 18-year old me thought that I was with someone who I can be with for a long time. The lyrics of the song are as true as they can be,” kwento niya.
 
 
Sabi naman ni Kyla, nagustuhan niya agad ang kanta pagkarinig dito. “The first time I heard the song, I fell in love with it right away. It's like a theme song for movies, that's how it felt. It's almost enchanting listening to the song.”
 
Tampok sa bagong Tarsier Records release ang soulful voice ni Kyla at soothing vocals ni Junior na siya ring nag-areglo nito katulong ang genius beatmaker na si Theo Martel at ang producer ng kanta na si Jonathan Manalo.
 
Samantala, mapapanood naman sa “COY” official music video simula Biyernes (Oktubre 14), 7 pm sa Tarsier Records YouTube channel ang Kapamilya talents na sina Anji Salvacion at Brent Manalo sa isang sweet at nakakapukaw na kwentong pag-ibig.
 
Si Junior ay isang musician, singer-songwriter, producer, at engineer na nanggaling sa isang musically gifted family. Naglabas siya ng remake ng kanta niyang “Marry Your Daughter” noong 2020 na prinodyus ni Tarsier Records label head Moophs. Ibinalik ng remake ang kasikatan ng 2005 hit at nakasama pa ito sa Spotify at Apple Music charts sa 40 bansa.
 
Isang multi-awarded singer-songwriter naman ang tinaguriang ‘Queen of R&B’ na si Kyla na nagpasikat ng mga kantang “Hanggang Ngayon,” “On The Wings of Love,” “Beautiful Days,” “Without You,” at iba pa.
 
Ang “COY” collaboration ay alinsunod sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ipakilala ang Filipino talent sa buong mundo.

Pakinggan ang “COY (Cuz of You)” single nina Kyla at Junior na available na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms worldwide. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE