News Releases

English | Tagalog

KZ Tandingan may bigating 10th anniversary celebration 'ASAP Natin 'To'

October 14, 2022 AT 11:15 AM

KZ Tandingan celebrates 10 years of her musical journey on 'ASAP Natin 'To'

Celebrate a decade of vibrant music from Asia's Soul Supreme KZ Tandingan plus more star-studded acts from your favorite stars

Abangan din ang comeback ng BINI at pasabog showdown kasama si Darren Espanto at iba pa

Kaabang-abang ang live fresh acts at performances ng mga paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Oktubre 16) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5. 

Abangan ang 10th-year anniversary celebration ni KZ Tandingan, fresh rockustic tugtugan mula kina KD and Kice, isang vocal showdown sa pangunguna ni Darren Espanto at ang special comeback stage ng nation’s grl group na BINI. 

Icelebrate ang isang dekadang musical career ng Asia's Soul Supreme na si KZ Tandingan kasama sina Angeline Quinto, Erik Santos, Kyla, Jeremy G., Elha Nympha at Jadine Berdine.

Damhin ang world-class musical treats mula sa OPM stars na sina KD Estrada at Kice, at isang powerful vocal feast naman ang handog nina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Vivoree at Maymay Entrata. 

Dadagdagan pa ito ng isang heartwarming classic hits sing-off nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Nyoy Volante at Jason Dy. 

Isang malaking throwback naman ang hatid ng "ASAP Natin 'To" family sa isang special tribute sa musika ng iconic Pinoy rock band na Eraserheads. 

Hindi rin mag papahuli sa dance floor ang G-Force na nag cecelebrate ng kanilang 10th Anniversary sa pangunguna ni Teacher Georcelle kasama sina Chie Filomeno, Charlie Dizon, Krystal Brimner, Karina Bautista, Jameson Blake, Joao Constancia, Edward Barber, at Enchong Dee.

At dahil sa insistent public demand, sasabayan pa ito ng isang upbeat dance battle nina AC Bonifacio at Sheena Belarmino.

Huwag din papalampasin ang dynamic vocal showdown nina Darren, Lucas Garcia, Bryan Chong, Reiven Umali at Sam Mangubat. 

Hindi rin magpapahuli ang P-pop girl group na BINI sa kanilang much-anticipated album comeback performance ng kanilang latest single na
"Strings."

Isang musical collaboration din ng classic slow rock hits ang dapat abangan mula kina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Erik Santos, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Khimo Gumatay, Janine Berdin, JM Yosures, Elha Nympha, Sheena Belarmino, Lara Maigue, at Laine. 

Lahat ng ito ay masasaksihan live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa "ASAP Natin 'To," na pinarangalan ng National Award para sa Best Music or Dance Programme ng 2022 Asian Academy Creative Awards. Tutok na sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa mga Kapamilya sa Las Vegas, mapapanood na din ng live ang world-class performances ng mga paborito ninyong ABS-CBN artists ngayong November 5 sa "ASAP Natin 'To Las Vegas" sa Orleans Arena. Available na ang tickets nito sa https://mytfc.com/asapinvegas

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.