News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, kinilala sa Platinum Heart Media Awards at Nat’l Statistics Month Media Awards

October 18, 2022 AT 05:22 PM

Anim na parangal para sa kahusayan sa pagbabalita sa kalusugan at istatistika

 

Nanalo ang ABS-CBN ng anim na parangal ngayong taon, para sa kahusayan nito sa pagbabalita tungkol sa kalusugan at istatistika, sa Platinum Heart Media Awards 2022 at sa 11th National Statistics Month Media Awards (NSMMA).

Sa nakaraang Platinum Heart Media Awards ng Philippine Heart Association, iginawad sa ABS-CBN ang isang citation para sa mga programa nito ukol sa Healthy Lifestyle at Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Advocacy.

Pinarangalan din ang mga reporter na sina Jasmin Romero at Jing Castañeda sa seremonya para sa kanilang 'entrepreneurial skills' bilang mga mamamahayag, gayundin si Dr. Luisa Ticzon-Puyat para sa kanyang programa sa TeleRadyo na “Your Daily Do’s.”

Nasungkit din ng ABS-CBN News/ABS-CBN Corp. at TeleRadyo ang ‘Platinum Heart Media Awards’ bilang mga media entity na nagsusulong ng mga dekalidad na programa na may kaugnayan sa cardiovascular health at lifestyle.

Samantala, nanalo ang ABS-CBN news data analytics head na si Edson Guido ng parangal para sa Best Statistical Reporting in TV Broadcast Media na iginawad ng Philippine Statistics Authority.

Nakuha ni Edson gantimpala para sa kanyang pang-araw-araw na pag-uulat ng datos ukol sa pandemya, estado ng ekonomiya, trabaho, inflation, at istatistikal na datos noong nakaraang eleksyon.

"The ABS-CBN Data Analytics Team has now won this award twice. But to be recognized for Best Statistical Reporting in TV Broadcast Media even after losing the franchise to air on free TV means a lot," pahayag ni Edson.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, or bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE