News Releases

English | Tagalog

Jeepney TV Fan Favorite Awards, bibigyang pugay ang mga programa at bituin ng ABS-CBN

October 18, 2022 AT 11:25 AM

Jeepney TV to name the ultimate fan fave programs and stars this October 22

The awarding ceremony is held in time for Jeepney TV's 10th anniversary celebration.

Mga bigating artista, makakasama sa selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng Jeepney TV
 

Malalaman na kung aling Kapamilya programs at mga artista ang tunay na wagi sa fans sa kauna-unahang Jeepney TV Fan Favorite Awards na gaganapin ngayong Oktubre 22 (Sabado), 9 pm. 

Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Jeepney TV, inilunsad ang JTV Fan Favorite Awards upang magbalik tanaw at bigyang pagkilala ang iba't ibang tumatak na pagganap at programa ng ABS-CBN na napanood sa throwback cable channel.

Pangungunahan ang JTV Fan Favorite Awards ceremony nina Robi Domingo at Kaila Estrada bilang hosts. 

Abangan din ang kapanapanabik na performance nina KD Estrada at Alexa Ilacad pati na rin ang iba pang bigating artista tulad nina Dimples Romana, JC De Vera, Enchong Dee, Jhai Ho, Gerald Anderson, Jolina Magdangal, Shaina Magdayao, Angel Aquino, at Charo Santos na magsisilbing presenters sa naturang gabi ng parangal.

Ang mga minahal na teleserye mula 1992 hanggang 2001 tulad ng “Mara Clara (1992)” at “Esperanza,” mula 2002 hanggang 2011 tulad ng “100 Days to Heaven” at “May Bukas Pa,” at mula 2012 hanggang 2021 tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Be Careful With My Heart” ay maglalaban-laban para sa Fave Teleserye award.

Samantala, sina Coco Martin, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Angel Locsin, Janella Salvador, Kathryn Bernardo, at iba pang Kapamilya stars ang nominado naman para sa Fave Actor and Actress awards.

Excited na rin ang fans na malaman kung aling tandem mula kina Kathryn at Daniel, Jodi Sta. Maria at Richard Yap, Dawn Zulueta at Richard Gomez, at iba pang nominado ang kikilalaning All-Time Favorite Love Team. 

Ka-abang-abang ding malaman kung sino ang papangalanang Fave Kontrabida, Fave Talk Show Host, at iba pang category winners ayon sa mga boto ng fans na isinumite sa JoinNowJeepney TV Fans Facebook Group, at TikTok.

Saksihan ang livestream ng JTV Fan Favorite Awards sa Sabado (Oktubre 22), 9 pm sa FacebookTiktok, at YouTube channel ng Jeepney TV. 

Mapapanood ang Jeepney TV sa SKY Cable ch. 9, Cignal ch. 44, GSat ch. 55, at SatLite ch. 37. Para manatiling updated, sundan ang Jeepney TV sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok at mag-subscribe sa Youtubechannel nito.