News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel pinagdiwang ang National Teachers’ Month

October 19, 2022 AT 11:04 AM

Knowledge Channel honors Filipino teachers nationwide

Knowledge Channel recognized the selfless sacrifice and unwavering passion of all Filipino teachers through various activities and initiatives

Robi Domingo at Bianca Gonzalez nagbigay pugay sa mga guro
 
Sa pagdiriwang ng 2022 National Teachers’ Month, nakiisa ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) at celebrity hosts nito na sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez sa pagbibigay pugay at pasasalamat sa walang pagod na sakripisyo ng mga gurong Pilipino.
 
Sa isang espesyal na video tribute na inilabas sa social media, binigyang pugay ni Robi na host ng K-12 math show na MathDali, kung paano mas nagagawang madali at exciting ng mga guro ang pagtuturo sa kabila ng pandemya.
 
“May pandemya man o wala nagawa ninyong Mathdali at Mathsaya ang aming pag-aaral,” sabi niya.
 
Inihalintulad naman ni Bianca Gonzalez na host ng TalkEd: Early Childhood Series ang malaking papel ng mga guro bilang katuwuang ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak. “Katulad ng mga magulang, kayo (mga guro) ay nagsisilbing ilaw at haligi ng karunungan,” pahayag niya.
 
Ipinaliwanag ni KCFI president and executive director na si Rina Lopez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng growth mindset sa pag-aaral at edukasyon. Binigyang halaga rin niya ang pagsisikap sa lahat ng bagay na kailangan gawin bilang sekreto sa isang malago at maasensong buhay.
 
Nagturn-over din ng Portable Media Library (PML) at namahagi ng food packs at smile masks ang KCFI sa mga estudyante ng Cuyambay Elementary School sa Tanay, Rizal katuwang ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya. Sinundan ito ng isa pang Turnover Event kasama ang Subic EnerZone Corporation na naghandog ng KC PML at Knowledge TV sa Special Education Center for the Gifted (SPED-G) sa Olongapo City.
 
At sa pakikipagtulungan ng Huawei Technologies at BDO Foundation ay nagsagawa ang KCFI ng 3-day training program para sa 149 public school teachers mula sa 10 paaralan sa Dasmariñas City para mas matulungan ng mga guro at principal ang kanilangmga estudyante ngayong pandemya.  
 
At sa pagtatapos ng selebrasyon, inilunsad ng KCFI at Breeze ang “EcoProject Year 2: Kilos Kabataan Para sa Kapaligiran” campaign sa bagong batch ng 17,000 students, teachers, at parents sa mga paaralan ng Division Office of Taguig City at Pateros.
 
Ilan lamang ito sa mga espesyal na programa ng KCFI para sa pagbibigay suporta sa mga gurong Pilipino at pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.