News Releases

English | Tagalog

LoiNie nagbalikan, planong ilantad ang mga baho ni Mylene sa "Love in 40 Days"

October 21, 2022 AT 08:26 AM

Ronnie gets back with Loisa to expose Mylene in "Love in 40 Days"

Will Edward and Jane survive and live happily ever after?

Tutukan ang pamatay na ending ngayong Oktubre 28

Nagbalikan na sina Edward (Ronnie Alonte) at Jane (Loisa Andalio) matapos lumabas ang katotohanang isang kriminal ang nanay ni Edward na si Andrea (Mylene Dizon) sa umiigting na mga tagpo sa pamatay na ending ng “Love in 40 Days,” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Natuklasan ni Edward na matagal nang niloloko ni Andrea ang kanilang pamilya dahil isa pala siyang kriminal. Nag-buwis buhay kasi si Jane para makakuha ng isang video recording na nagpapatunay na si Andrea ang mastermind ng isang malaking sindikato na namemeke ng pagkamatay ng mga kriminal. 

Desidido na sina Edward at Jane na isapubliko ang mga krimen ni Andrea kahit alam nilang maaari nila itong ikapahamak. Bago nito, nauna nang ipinapatay ni Andrea kay Anton (Allan Paule), ang totoong ama ni Edward, sina Edward, Jane, at Ofelia (Janice de Belen), ang totoong ina ni Edward, habang nagkukunwari pa rin siyang inosente. 

Sa huling linggo ng serye, mas titindi ang mga komprontasyon at may posibilidad na mapahamak sina Edward at Jane dahil manggagalaiti sa galit si Andrea kapag lumabas na ang mga sikreto niya. 

Mananatili pa bang buhay sina Edward at Jane para tuluyan na silang magka-happy ending?

Huwag palampasin ang pamatay na ending ng “Love in 40 Days” ngayong Oktubre 28 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Love in 40 Days.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE