News Releases

English | Tagalog

YeY, naka-two million followers na sa Facebook

October 25, 2022 AT 10:26 AM

YeY hits the two-million follower mark on Facebook

Following these social media feats, YeY continues its commitment to providing joy to kids through its array of infotainment content for all ages across multiple platforms

May higit one billion-minute video views din sa official page nito

May panibagong social media achievement ang Kapamilya kids' content provider na YeY nang magtala ng higit dalawang milyong followers sa official Facebook page nito.

Matatandaan na nitong 2021 lang din unang naitala ang one million-follower mark sa Facebook, habang naka-isang milyong subscribers din ang YouTube channel nito.

Maliban pa rito, may higit one-billion-minute video views din ang Facebook page nito, hatid ang ilang highlights at buong episodes ng mga paboritong Kapamilya kiddie shows, cartoons, at iba pa.

Matapos ang mga napagtagumpayan nito sa social media, patuloy naman ang YeY sa paghahatid ng masasaya at edutainment shows para sa mga chikiting sa iba't ibang platform—mapa-TV sa Kapamilya Channel at A2Z, at online sa Facebook, YouTube, TikTok, at sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment.

Ilan sa patuloy na mapapanood ng mga chikiting ay ang full episodes ng superhero adventures nina Lastikman, Kapitan Boom, Tiny Tony, Dragonna, Varga, Flash Bomba, Valentina, Inday Bote, at Star Boy sa YeY Superview

Palabas na rin sa online platforms ng YeY Channel ang proudly-Pinoy animated series na "Hero City Kids Force," tampok ang mga adventure ng McCoolits kasama sina Darna, Captain Barbell, at Lastikman. 

At pwede ring makisaya ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak sa panonood ng YeY Famtime presents "Parent Experiment," tampok ang samu't saring fun activities na pang-buong pamilya. At sa bagong episode nito na co-presented ng Monde Nissin, may fun adventure na hatid sina Momshie Melai at ang kanyang bibong anakshies na sina Mela at Stela para mas gawing masaya ang learning and snacking time. 

Para sa iba pang exciting content, events at promos nito, bisitahin lamang ang YeY sa Facebook (fb.com/yeychannel), Instagram (@yeychannel), TikTok (@yey.channel), at YouTube account nito. Mapapanood din ng mga bata ang mga paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment sa ent.abs-cbn.com/justlovekids.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom