News Releases

English | Tagalog

Dylan Wang, papakiligin muli ang Pinoy fans sa bagong C-Drama sa ABS-CBN

October 26, 2022 AT 12:47 PM

Dylan Wang returns to ABS-CBN as a deadly fighter in hit series "Ever Night: War of Brilliant Splendours"

After capturing the hearts of Filipino viewers with his 2018 portrayal of Dao Ming Si in the Chinese adaptation of ‘Meteor Garden,’ Dylan is set to embark on another adventure in his heroic character as Ning Que.

Mapapanood na simula Oktubre 31

Mapapanood na muli ng Pinoy fans ang hottest Asian actor ng henerasyon na si Dylan Wang sa hit series na “Ever Night: War of Brilliant Splendours,” ngayong Lunes (Oktubre 31), 10:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z at TV5.

Pagkatapos niyang magpakilig noong 2018 bilang si Dao Ming Si sa Chinese adaptation ng ‘Meteor Garden,’ makikilala na ang bagong heroic karakter ni Dylan bilang si Ning Que. 

Ang 2020 serye na ito ay sequel ng Chinese drama na “Ever Night,” isang historical fantasy novel na isinulat ng award-winning writer na si Mao Ni. 

Hango ang kwento sa Tang Dynasty na pinagbibidahan ni Ning Que (Dylan Wang) ang natitirang survivor ng General Lin clan na naataasan na protektahan ang kaharian ng Tang at itago ang tunay na pagkatao ng kaibigang si San San (Song Yi Ren). 

Mahabang paglalakbay at matinding laban ang nag aabang kay Ning Que laban sa mga masasamang loob na gustong agawin ang Tang at sa anak ng kadiliman na nakatakdang bumalik at maghiganti. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.