News Releases

English | Tagalog

Makibirit sa rakrakan kantahan ni Gigi de Lana sa 'ASAP Natin 'To'

October 28, 2022 AT 05:34 PM

Catch Gigi's fresh vocal act this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

Fresh off her successful "Domination" concert tour, Gigi dominates the ASAP stage with a rocking performance alongside the GG Vibes Band

Balikan din ang 'Clash Dance' treats nina Maymay, Chie, AC, at Sheena

Pabonggahin ang inyong long weekend holiday sa inihandang all-star concert experience ng inyong paboritong Kapamilya artists, tampok ang bagong pasabog ni Gigi de Lana at iba pang best-of-the-best acts ngayong Linggo (Oktubre 30) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Matapos ang kanyang matagumpay na "Domination" concert tour, aarangkada muli sa ASAP stage si Gigi de Lana kasama ang GG Vibes Band sa bagong edisyon ng "ASAP Fresh."

Makihataw ulit sa "Clash Dance" tapatan nina Maymay Entrata at Chie Filomeno, pati nina AC Bonifacio at Sheena Belarmino, habang may heartthrobs sayawan din sina Enchong Dee, Jeremy G, Jameson Blake, Seth Fedelin, at Kyle Echarri. Hindi rin pahuhuli ang best-of-the-best P-Pop treat ng BINI kasama si AC.

Balikan naman ang bigating biritan nina Gary Valenciano at Regine Velasquez kasama ang singing champions na sina Elha Nympha, Jed Madela, Anji Salvacion, JM Yosures, Klarisse de Guzman, Reiven Umali, Kris Lawrence, Janine Berdin, Erik Santos, Frenchie Dy, Kyla, Laine, at Jason Dy.

Panooring muli ang ilan sa paborito ninyong musical treats sa ASAP stage, tulad ng rockoustic kantahan nina KD Estrada at Kice, ang dream collab nina Martin Nievera at Lovi Poe, at jamming session ng The Juans kasama si Darren.

Abangan din ang rain hits kantahan at sayawan nina Angeline Quinto, Morissette, Nyoy Volante, Vivoree, Karina Bautista, Krystal Brimner, Joao Constancia, at ang inyong "ASAP Natin 'To" family kasama sina Laziz Rustamov, Andrei King, Wize Estabillo, Aleck Iñigo, at Anthony Barion.

At pakatutukang muli ang matindihang duet showdown nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Klarisse de Guzman, Jed Madela, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Lara Maigue, JM Yosures, Sam Mangubat, Laine, Fana, Sheena Belarmino, and Khimo Gumatay sa "The Greatest Showdown."

Abangan ang lahat ng ito sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para naman sa mga Kapamilya natin sa Las Vegas, live na live ding mapapanood ang world-class performances ng mga paborito ninyong ABS-CBN artists ngayong November 5 sa "ASAP Natin 'To Las Vegas" sa Orleans Arena. Available na ang tickets nito sa mytfc.com/asapinvegas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.