News Releases

English | Tagalog

Shanaia Gomez, puma-pag-ibig sa bagong single na "Awake"

October 28, 2022 AT 04:07 PM

Shanaia Gomez, giddy in love in new single "Awake"

Shanaia's sophomore single explores the intense feeling of being in love and the joy it brings to one's heart.

Nag-uumapaw na kilig ang handog ni dating "Pinoy Big Brother Kumunity Season 10" celebrity housemate Shanaia Gomez sa bago niyang single na "Awake." Inilalarawan ng upbeat track ang epekto ng pag-ibig at sayang dulot nito sa puso ng isang tao. Iprinodyus ni Star Pop label head Rox Santos at isinulat ni Trisha Denise ang ikalawang single ni Shanaia na kasunod ng kanyang debut single na "Para Sa'yo" na inilabas noong Hulyo.