News Releases

English | Tagalog

Kendall Jenner, Bella Hadid, at sports shows, tampok sa iWantTFC ngayong Oktubre

October 04, 2022 AT 09:00 AM

Siksik sa fashion at sports ang iWantTFC buong buwan ng Oktubre dahil patuloy nitong ipapalabas nang libre ang mga inaabangang programa ng FashionTV at Jungo TV tampok sina Kendall Jenner at Bella Hadid, at ang mga pinakamainit na bakbakan sa mundo ng sports. 

Available sa buong mundo (maliban sa Vietnam) ang FashionTV kung saan mapapanood kung paano nagsumikap at naging matagumpay ang mga modelong sina Kendall Jenner (“The Story of Kendall Jenner”), Bella Hadid (“The Story of Bella Hadid”), at Candice Swanpoel (“The Story of Candice Swanpoel”), pati na ang kwento ng sikat na designer na si Ralph Lauren (“The Story of Ralph Lauren”), at ang photographer na si Mario Sorrenti (“The Story of Mario Sorrenti”). 

Napapanood naman sa Jungo TV ang mga martial arts at combat shows ng Black Belt channel tulad ng “The Legend of Bruce Lee” at ang mga docuseries “Enfusion Reality Season 6” at “Believe: Victoria Stambaugh.” Available ito sa mga iWantTFC subscriber sa Pilipinas. 

Para naman sa mga mahilig sa e-sports, pwedeng tumutok sa A8 Esports na available sa buong mundo. Nariyan ang “Sonic The Hedgehog,” “The CODcast,” kung saan ibinabahagi ng mga pro player ang kanilang mga opinyon tungkol sa e-sports, at ang “Super League: Lan Prix,” kung saan inuusisa ang mga kaganapan sa Super League Lan Prix finals.

Panoorin ang mga programang ito sa live channels ng FashionTV at Jungo TV sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE