News Releases

English | Tagalog

Darna, Captain Barbell, at Lastikman, makakasama ng mga chikiting araw-araw sa 'Hero City Kids Force'

October 06, 2022 AT 03:31 PM

Darna, Captain Barbell, and Lastikman bring fun adventures daily on 'Hero City Kids Force'

Join the McCoolits and the rest of your favorite superheroes in "Hero City Kids Force" every Monday to Sunday before TV Patrol beginning October 10 on A2Z, Kapamilya Channel, and Kapamilya Online Live

Eere simula Oktubre 10 sa A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live

Punong-puno ng aral at saya ang hatid ng superhero adventures nina Darna, Captain Barbell, at Lastikman sa Kapamilya animated series na "Hero City Kids Force" na mapapanood araw-araw simula Oktubre 10 (Lunes) sa A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.

Tampok sa Tagalog animated series ang pakikipagsapalaran ng magkakapatid na sina Maya, Andres, at Nono McCoolits, kasama ang kanilang Tita Joyce at kaibigang robot na si Georgie, at kung paano ipapamalas sa bawat episode nito ang kakayahan ng mga chikiting na maging superhero kahit sa maliliit na gawain.

Makikipag-sanib pwersa rin ang mga hero ni Mars Ravelo, tulad nina Darna, Captain Barbell, at Lastikman, para pigilan sina Dr. Sternberg at ang kanyang sidekick na si Cyborgana sa kanilang paghahasik ng lagim sa Hero City. Bibigyang importansya rin sa programa ang mahahalagang aral, tulad ng pagtulong sa kapwa, pag-aalaga sa ating kapaligiran, pagkain ng masustansya, at iba pa.

Matapos itong unang ipalabas sa iWantTFC noong 2021, mapapanood na ng mga chikiting ang "Hero City Kids Force" simula Oktubre 10 mula Lunes hanggang Linggo, bago mag TV Patrol, sa A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, na may replay kinabukasan tuwing 9 ng umaga.

Ipapalabas din ang English-dubbed episodes nito on-demand sa YouTube channel ng YeY (youtube.com/YeYChannel) simula sa huling linggo ng Oktubre.

Maliban sa "Hero City Kids Force," mas marami pang superhero adventures ni Mars Ravelo ang naghihintay sa mga chikiting sa YeY Superview, tampok ang full episodes ng "Kapitan Boom," "Tiny Tony," "Dragonna," "Varga, "Flash Bomba," at "Lastikman" sa YeY YouTube channel.

Para sa iba pang exciting content, events at promos nito, bisitahin lamang ang YeY sa Facebook (fb.com/yeychannel), Instagram (@yeychannel), TikTok (@yey.channel), at YouTube account nito. Mapapanood din ng mga bata ang mga paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment sa ent.abs-cbn.com/justlovekids.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.