News Releases

English | Tagalog

Alex Calleja, magpapatawa sa birthday special kasama ang iba pang komedyante

October 07, 2022 AT 12:05 PM

Sa pagdiriwang ni Alex ng kanyang ika-50 birthday…

Maghahatid ng saya at katatawanan sina Alex Calleja at mga kapwa niyang komedyante sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-50 na kaarawan sa “Happy! The Alex Calleja Birthday Special."

Ang iWantTFC ang official media partner ng naturang stand-up comedy show kung saan dapat abangan ang nakakaaliw na mga performance ng iba't ibang special guests.

Makakasama ni Alex upang maghatid ng katatawanan sina Israel Buenaobra, Mak Navarez, Jeps Gallon, Yuki Horikoshi, Ramon Cabochan, Dawit Tabonares, Grease Junio III, Winer Aguilar, Sherwin Buenvenida, at Leland Lim, at ang special guests na sina Diana Menezes and Paolo Santos.

Gaganapin ito sa Oktubre 14 at 15 ng 9 PM sa Maybank Performing Arts Theater. Makakabili na ng tickets sa www.ticketworld.com.ph sa halagang P1,800 (Zone 1), P1,500 (Zone 2), o P1,200 (Zone 3).

Samahan si Alex sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan sa “Happy! The Alex Calleja Birthday Special” ngayong buwan. 

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE