News Releases

English | Tagalog

Loisa, tumangging magpakasal kay Ronnie sa "Love in 40 Days"

October 07, 2022 AT 09:11 AM

Loisa rejects Ronnie's marriage proposal in "Love in 40 Days"

Will Jane and Edward overcome their challenges as a couple? Will Andrea finally pay for her crimes?

Nadurog ang puso ni Edward (Ronnie Alonte) matapos tanggihan ni Jane (Loisa Andalio) ang alok niyang magpakasal sa Kapamilya teleseryeng “Love in 40 Days,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Tinanggihan ni Jane si Edward matapos niyang malaman na ang nanay nitong si Andrea (Mylene Dizon) ang totoong mastermind ng isang modus kung saan milyon-milyon ang kinikita nila sa pagpepeke ng pagkamatay ng mga kriminal at siya rin ang may pakana sa tangkang pagpatay kay Jane. 

Isa-isang nabubunyag ang katotohanan dahil kay Marco (Ahron Villena), ang dating boss ni Jane na naging tauhan ni Andrea. Gusto na kasing magbagong buhay ni Marco kaya inamin na niya ang kanyang mga krimen at ngayon ay gusto niya ring pagbayarin si Andrea. 

Ini-splook din ni Marco ang matagal nang sikreto ni Andrea - pineke niya ang kanyang pagkamatay noon at nagpalit ng pagkatao para takasan ang kanyang mga krimen sa ibang bansa.

Dadaan sa matinding pagsubok ang relasyon nina Jane af Edward, lalong-lalo na dahil hindi naniniwala si Edward sa mga binibintang kay Andrea at gagawin niya ang lahat para patunayan na inosente ang kanyang ina. Wala ring kamalay-malay si Edward na ang matagal na nilang kasambahay na si Ofelia (Janice de Belen) ang totoo niyang ina.

Mananaig pa ba ang pagmamahalan nina Jane at Edward? Makukulong na ba si Andrea?

Huwag palampasin ang “Love in 40 Days,” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Love in 40 Days.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE