News Releases

English | Tagalog

'ASAP Natin 'To Las Vegas' show, mapapanood na ngayong Linggo

November 11, 2022 AT 06:17 PM

'ASAP Natin 'To Las Vegas' show airs first part this Sunday

Don't miss these world-class Pinoy performances in part one of this epic Vegas show from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Tampok sa part one ang mga bigating performance mula sa ASAP icons

Humanda na sa isang bigating concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at special guests dahil mapapanood na ngayong Linggo (Nobyembre 13) ang part one ng inaabangang "ASAP Natin 'To Las Vegas" show sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Simulan ang bonggang Vegas party sa proudly-Pinoy kantahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasabay sina KZ, Darren, at Fil-Am rapper na si EZ Mil, na may kasamang special video performance mula sa El Gamma Penumbra.

Tuloy-tuloy ang all-Filipino biritan nina Martin, Regine, KZ, at Bamboo kasama ang American Idol Season 18 finalist na si Francisco Martin, The Voice US contenders na sina Vaughn Mugol at Cheesa Laureta, '90s singer at Voice of Asia winner Dessa, at kampeon sa World Championship of Performing Arts na si Rizza Navales.

Hindi rin pahuhuli sa ASAP international stage sina Kyle Echarri, Bailey May, Kiana Valenciano, pati P-Pop groups na BINI at BGYO.

Makihataw rin sa mainit-init na dance showdown nina Jane de Leon, Janella Salvador, at ASAP dance royalty Kim Chiu kasama ang bigating Pinoy global dancers na sina AC Bonifacio, Bailrok, at Jabbawockeez. May nagbabagang solo act din ang Kapamilya star na si Lovi Poe.

Balikan naman ang mga awitin ng premyadong hitmaker at APO Hiking Society singer na si Danny Javier sa madamdaming musical tribute nina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Ogie, at Regine.

At abangan ang all-star kantahan nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Inigo Pascual, EZ Mil, Kiana V., Bailey, Dessa, Jane, Janella, at ang buong "ASAP Natin 'To" family.

Huwag palampasin ang part one ng bigating Vegas show ng longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.