News Releases

English | Tagalog

“Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa” Christmas ID lyric video ng ABS-CBN, umani na ng higit 5 milyong views

November 15, 2022 AT 07:16 PM

2022 ABS-CBN Christmas ID music video, ipapalabas na sa Biyernes 

 

Agad napukaw ang damdamin ng mga Pilipino ng bagong ABS-CBN Christmas ID dahil humakot na ang “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” lyric video ng higit limang milyong views sa Facebook at YouTube

May 4.2 milyon na views na ang lyric video sa Facebook, habang nakakuha na ng 1.7 milyon na views naman ito sa YouTube sa loob lamang ng tatlong araw. Ngayong Biyernes (Nobyembre 18) naman nakatakdang ipalabas ang official music video ng “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” pagkatapos ng “TV Patrol.”    

Ipinaaalala ng bagong himig na handog ng ABS-CBN na kahit ilang beses pa tayo mabalot ng pangamba, makakahanap pa rin ng ligaya kapag tayo ay kumapit sa Diyos, pamilya, at kaibigan.  

Tampok sa recording ng lyric video ang Kapamilya stars na sina Jane de Leon, Janella Salvador, Joshua Garcia, KD Estrada, Alexa Ilacad, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Ogie Alcasid, Anne Curtis, Kim Chiu, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Gary Valenciano, at Regine Velasquez-Alcasid. 

Nagbigay buhay din sa kanta sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, AC Bonifacio, Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, Darren Espanto, Kyle Echarri, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Morissette, Angeline Quinto, Erik Santos, KZ Tandingan, Elha Nympha, Khimo Gumatay, Anji Salvacion, Bailey May, Piolo Pascual, Chito Miranda, Moira dela Torre, at Sharon Cuneta kasama ang DYCI Dagalak Choir. 

Ayon sa sumulat ng awitin na si ABS-CBN head of Creative Communications Management Robert Labayen, mensahe ng bagong Christmas ID na kaya ng Pilipino na makahanap ng ligaya sa gitna ng mga pagsubok bilang isa itong natatanging katangian ng mga Pinoy. 

“Gusto nating sabihin na makakagawa tayo ng paraan para hanapin ang ligaya,” sabi niya sa isang panayam sa “TV Patrol.” 

Naging numero uno ring trending topic sa Twitter Philippines ang #ABSCBNChristmasID2022 na isang patunay na inabangan ng sambayanan ang bagong himig na regalo ng ABS-CBN na 21 taon ng tradisyon ang paglilikha ng Christmas IDs.  

Samantala, maaari nang mag-pre order ng official licensed “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” t-shirts sa authorized partner ng ABS-CBN na shirtsandprintsph (Facebook, TikTok, Lazada) shirtsandprintsph1207 (Shopee) sa halagang P350.  

Panoorin ang “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” lyric video sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Facebook page, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at iba pang digital platforms ng ABS-CBN. Huwag ding palampasin ang premiere ng “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” Christmas ID music video sa Biyernes (Nobyembre 18) pagkatapos ng “TV Patrol.” 

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom