News Releases

English | Tagalog

Tuloy-tuloy ang saya sa part two ng ‘ASAP Natin ‘To Las Vegas’ ngayong Linggo

November 18, 2022 AT 05:04 PM

The party continues with part two of ‘ASAP Natin ‘To Las Vegas’ this Sunday

The Vegas party continues with upbeat surprises from your favorite Kapamilya stars

Proudly Pinoy performances hatid ng ASAP stars at special guests
 
Tuloy-tuloy ang saya at party kasama ang paborito nyong ASAP Icons, Kapamilya stars at world class artists and performers para sa ikalawang bahagi ng espesyal na “ASAP Natin ‘To Las Vegas” show ngayong Linggo (November 20) on Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Simulan ang linggo sa isang upbeat surprises mula kay Gary Valenciano, Kim Chiu, KZ Tandingan, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Bailey May, Kyle Echarri, Inigo Pascual, Darren Espanto, Jane de Leon at P-Pop groups BINI, at  BGYO.
 
Isang heartwarming soundtrack naman mula sa mga paborito nyong Teleserye ang hatid ng OPM Icons Gary V., Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera at Regine Velasquez.
 
Ipagmalaki ang pagiging Pinoy at sabay-sabay umawit kasama ang world-class performers na sina Inigo Pascual, EZ Mil at Kyle Echarri.
 
Broadway hits naman ang hatid nina Martin, Gary, Regine, Zsa Zsa Ogie, Dessa at Janella kasama ang proudly-Pinoy broadway stars Jeff Flores, Red Concepcion at Deedee Magno Hallo.
 
Makisayaw at makisaya kina Darren at Bailey. May handog na special performance rin sina Donny at Belle, mga bida ng “Ang Inconvenient Love.”
 
Huwag palampasin ang world-class sing-off showdown nina Martin, Zsa Zsa, Ogie, Gary, Regine kasama sina Janella, Darren, Dessa, Lovi, at ang Grammy-nominated American songwriter na si Jim Brickman.

Hindi rin papahuli ang energy at suporta ng mga Kapamilya audience sa Las Vegas na nakikanta at nakisayaw kasama ang paborito nyong ASAP stars.

Isang world-class performances na naman ang hatid sa part two ng Las Vegas show mula sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.