News Releases

English | Tagalog

Kaori, nagseselos kina Anthony at Daniela sa "Tara, G!"

November 02, 2022 AT 01:29 PM

Kaori grows jealous of Anthony and Daniela in "Tara, G!"

Will Legs confess to Rocky and make peace with Dan? How will Team WISE overcome their issues?

JC, sinubukang halikan si Kaori

Friendship over na ba ang Team WISE?

Nanganganib magkawatak-watak ang magkakaibigan lalo na’t pinagseselosan na ni Legs (Kaori Oinuma) ang namumuong samahan nina Rocky (Anthony Jennings) at Cars (Daniela Stranner) sa “Tara, G!” ng iWantTFC.

Hindi na naitago ni Legs ang kanyang pagkagusto kay Rocky nang pagselosan niya sina Rocky at Cars dahil buong araw silang nagsama para maghatid ng kape sa kabilang bayan. 

Mas titindi pa ang problema ng kanilang barkada dahil sa tensyon sa pagitan nina Legs at Dan (JC Alcantara). Kinompronta kasi ni Dan si Legs tungkol sa totoo nitong nararamdaman para kay Rocky at lalo pang lumaki ang galit ni Legs dahil bigla na lang siyang sinubukan halikan ni Dan. 

Dahil dito, madadamay na rin ang Team WISE sa alitan ng dalawa at maapektuhan ang negosyo nilang pagbebenta ng kape. Bad timing pa ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil matindi ang pangangailangan nila ng pera para kay Smith (CJ Salonga) matapos itong matanggap sa kolehiyo. 

Aamin na ba si Legs kay Rocky at mapapatawad pa ba niya si Dan? Ano ang solusyon ng Team WISE para maayos ang kanilang samahan?

Napapanood sa buong mundo ang “Tara, G!” at may bago itong episode kada Biyernes, 8 PM (Manila time). Libre itong napapanood sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com) at available rin ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas. 

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.