News Releases

English | Tagalog

Maki, may R&B version ng viral hit na "Gusto Ko Nang Bumitaw"

November 24, 2022 AT 02:59 PM

Maki serves own R&B spin to viral hit "Gusto Ko Nang Bumitaw"

Maki brings a R&B flavor to viral hit "Gusto Ko Nang Bumitaw"

Binigyan ng baguhang singer na si Maki at ni Tarsier Records founder at music producer Moophs ng kakaibang tunog ang viral birit song na “Gusto Ko Nang Bumitaw.”
 
Pasok agad ang kanilang R&B version ng kanta sa New Music Friday PH playlist ng Spotify.
 
Unang inawit ni Crystal Voice of Asia Sheryn Regis ang “Gusto Ko Nang Bumitaw” na siyang nirekord naman ni Asia’s Phoenix Morisette para sa soundtrack ng seryeng “The Broken Marriage Vow” na naging viral sa social media.
 
Unang nakilala si Maki sa kanyang debut single na “Halaga” na humakot ng mahigit sa 60,000 streams sa iba’t ibang streaming platforms. Sinundan niya ito ng iba pang singles na “Para Sa Buwan” at “Thinkin’ Bout Your Smile” na mula rin sa Tarsier Records.
 
Napapakinggan na ang R&B offering nina Maki at Moophs na “Gusto Ko Nang Bumitaw” sa iba’t ibang digital platforms at napapanood na rin ang performance video nito sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang Tarsier Records sa FacebookTwitterInstagramTiktok, at YouTube.