News Releases

English | Tagalog

Balikan ang kilig duet ng DonBelle sa 'ASAP Natin 'To'

November 25, 2022 AT 03:34 PM

Cap off the November weekend with a best-of-the-best duet from DonBelle on 'ASAP Natin 'To'

Feel the love anew with a sweet duet from the phenomenal love team of Donny Pangilinan and Belle Mariano

Tampok ang all-star acts mula sa inyong ASAP family kasama sina Chito, Adie, Ace, Lapillus, at iba pa

Patapos man ang November weekend, aarangkada pa rin ang bigating best-of-the-best acts mula sa paborito ninyong Kapamilya artists at special guest performers ngayong Linggo (Nobyembre 27) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Kiligin muli sa duet ng tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Balikan ang mga makatindig-balahibong mga musical collab sa ASAP stage, tampok ang trio kantahan nina Martin Nievera, Darren, at Morissette; back-to-back contemporary OPM hits duet nina Janine Berdin at Adie pati nina Moira dela Torre at Ace Banzuelo; at ang pag-harana nina Gary Valenciano at Regine Velasquez kasama ang Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda.

Tuloy-tuloy ang biritan sa tapatan nina Darren, Lucas Garcia, Bryan Chong, Reiven Umali, at Sam Mangubat.

Maki-disco muli sa retro kantahan at sayawan nina Erik Santos, Kyla, Nyoy Volante, Jason Dy, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Vivoree, Enchong Dee, Maymay Entrata, at ang buong ASAP family.

Damhin din ang good vibes sa performance ni Inigo Pascual kasama sina Darren, AC Bonifacio, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, at Jeremy G.

Balikan din ang K-Pop hatawan nina AC at Chie Filomeno, habang hindi rin pahuhuli ang back-to-back pasabog ng BINI at Lapillus. Makitili rin sa rockoustic jamming nina KD Estrada at Kice.

At panooring muli ang bonggang duet ng New-Gen Birit Idols na sina Reiven Umali, Fana, Elha Nympha, JM Yosures, Sam Mangubat, at Sheena Belarmino kasabay sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Gigi de Lana, Jed Madela, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Tara at makisaya sa best-of-the-best concert experience ng longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.