News Releases

English | Tagalog

"2 Good 2 Be True" na kayang magka-ayos sina Kathryn at Daniel?

November 09, 2022 AT 11:13 AM

Nagkakalabuan na sina Ali (Kathryn Bernardo) at Eloy (Daniel Padilla) matapos nilang malamang sangkot diumano si Joey (Keempee de Leon) sa pagkamatay ni Hanna (Mickey Ferriols) sa "2 Good 2 Be True."

Kahit pa malaki ang galit ni Ali sa ama matapos malamang ginamit siya nito para makalapit kay Eloy, nanindigan siya na baka tulad ni Fred (Romnick Sarmenta) ay finrame-up lang din si Joey ni Helena.

Sarado naman ang utak ni Eloy sa desisyon ng nobya lalo pa at may ilang testamento na nagdidiin dito. Hindi kasi nila mapilit si Jill (Alyssa Muhlach) na magsalita tungkol sa sabwatan nina Helena (Gloria Diaz) at Atty. Evangelista (Raul Montessa) lalo pa at na-trauma ito sa muntik na pagdakip ng mga tauhan ng kapatid ni Hugo.

Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang plano ni Helena na gantihan si Hugo sa pagkamatay ng anak nito.Hanggang saan aabot ang galit ni Helena sa kapatid? Magka-ayos pa kaya sina Ali at Eloy?

Huwag palampasin ang huling linggo ng "2 Good 2 Be True" at panoorin ito ng advance sa Netflix at iWantTFC. Panoorin din ito tuwing 8:45PM saA2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook at YouTube, Jeepney TV, at TFC IPTV.