News Releases

English | Tagalog

Star-studded ABS-CBN Christmas Special, magpapaligaya sa mga Pilipino ngayong weekend

December 16, 2022 AT 07:26 PM

John Prats, direktor ng two-part special sa ikatlong pagkakataon 

 

Dalawang gabi na puno ng musika, pag-ibig, at ligaya ang naghihintay sa bawat pamilyang Pilipino dahil ipapalabas na ang “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2022” ngayong Disyembre 17 at 18 ng 8:30 pm. 

Mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at TV5 (Dec 17, 11 pm, Dec 18, 10:30 pm) ang 2022 ABS-CBN Christmas Special na may temang pasasalamat sa gitna ng mga pagsubok ngayong taon at pagbibigay-pugay sa Panginoon, pamilya, kaibigan, at sa komunidad na pinagkukunan natin ng ligaya at pag-asa.  

Sa ikatlong pagkakataon, magsisilbing direktor ang Kapamilya star na si John Prats ng Christmas Special, kung saan tampok ang higit sa 100 bituin mula sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN. 

Tulad ng taunang ABS-CBN Christmas ID, bahagi na rin ng Pasko ng pamilyang Pilipino ang makabuluhang Christmas Special ng ABS-CBN. Bukod sa mga pasabog na performance, inaabangan din ang mga nakaaantig na kwento at napapanahong mensaheng nakapaloob dito. 

Huwag palampasin ang weekend na puno ng saya at sorpresa ngayong Kapaskuhan sa “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2022” na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at TV5 (Dec 17, 11 pm, Dec 18, 10:30 pm). 

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.   

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE