News Releases

English | Tagalog

Zachary, tuloy-tuloy ang pang-aakit sa single na "RBND"

December 19, 2022 AT 12:00 PM

Zachary drops sultry single "RBND"

Zachary sings her frustations in "RBND"

Ibinahagi ng baguhang Star Music artist na si Zachary ang kanyang frustrations sa pagiging rebound sa nakakaakit na R&B single na “RBND.”

Isinulat ni Zachary habang ipinorodyus naman ni Nick Lazaro ang relatable song na tungkol sa pagbibigay ng mixed signals sa isang tao kahit na hindi sigurado sa nilalaman ng damdamin.

“Bakit pinakilig? Pinarinig ang mga salitang galing sa iyong bibig na walang katotohanan, walang patutunguhan. Hanggang kailan magiging saluhan ng pusong iniwan,” saad ni Zachary sa isinulat na kanta.

Ito ang ikalawang single ni Zachary matapos niyang ilabas ang kanyang debut single na “dahan dahan” noong Abril.

Nakilala ang Filipina-Canadian singer sa kanyang mga song cover videos sa YouTube at modern pop at R&B songs na patok sa kabataan. Kapansin-pansin din ang kanyang mga awitin dahil sa nakaaakit na boses at sexy image niya.

Damhin ang relatable na mensahe ng “RBND” na napapakinggan sa iba’t ibang digital platforms at napapanood naman ang visualizer video nito sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE