News Releases

English | Tagalog

Makisaya sa best-of-the-best Christmas day party ng 'ASAP Natin 'To' ngayong Linggo

December 21, 2022 AT 04:53 PM

Relive more best-of-the-best holiday performances this Christmas Sunday on 'ASAP Natin 'To'

Celebrate the holidays with your favorite Kapamilya stars in this stacked yuletide concert experience from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To"

Balikan ang bigating ASAP acts nina Darren at Felip, BGYO kasama si Regine, at iba pa

Damang-dama ang Kapaskuhan sa inihandang best-of-the-best pamasko ng inyong paboritong Kapamilya stars at guest artists ngayong Linggo (Dis. 25) sa Christmas day edition ng "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balikan ang ilan sa bigating collabs sa ASAP stage, kabilang ang back-to-back Pinoy treat nina Darren at P-Pop idol na si Felip, pati na ang dream tandem performance ng BGYO kasama ang Asia's Songbird Regine Velasquez. Makikanta rin sa senti hits session nina Gigi de Lana, Morissette, at ang bandang The Juans.

Hindi rin pahuhuli ang mga pasabog ng "Mars Ravelo's Darna" stars na sina Jane de Leon at Janella Salvador, at maiinit na solo hatawan nina AC Bonifacio at ASAP dance royalty Kim Chiu.

Hindi kumpleto ang Pasko kung wala ang Christmas carol hits kantahan at sayawan nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at ng buong ASAP family kasama sina Donny Pangilinan, Robi Domingo, Janine Gutierrez, at Erik Santos.

Tuloy-tuloy pa rin ang hatawan sa Christmas dance number nina AC, Janella, Maymay Entrata, Francine Diaz, Enchong Dee, Joao Constancia, Jin Macapagal, at Jeremy G, pati ang nagbabagang tapatan sa dancefloor nina Kim at Chie Filomeno.

Panooring muli ang ilan sa kinagiliwan ninyong musical performances, tulad ng rockoustic jamming nina KD Estrada, Kice, at Bamboo; Kilabotitos treat nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion; at ang duet patalbugan nina New Gen Birit Idols Sheena Belarmino, Reiven Umali, Jayda, Anthony Castillo, Lara Maigue, JM Yosures, Sam Mangubat, at Elha Nympha.

Abangan din ang isa pang bigating New Gen kantahan mula kina JM, Sam, Bryan Chong, at Khimo Gumatay kasama ang pambansang Concert King na si Martin Nievera.

At balikan naman ang Christmas classics tapatan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Morissette, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Tara at ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ng paborito ninyong Kapamilya stars sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.