News Releases

English | Tagalog

Anthony friendship over na ba sa Team WISE sa finale episode ng "Tara, G!"?

December 06, 2022 AT 09:35 AM

Can Anthony rekindle his friendship with Team WISE in the finale of "Tara, G!"?

Will the friendship of Team WISE remain intact and can they succeed with their coffee business? Will Anthony and Cars and Dan and Legs have a happy ending?

Magkakatuluyan na ba sina Anthony-Daniela at JC-Kaori?

Nanganganib na magkawatak-watak ang samahan at negosyo ng Team WISE matapos dumistansya ang lider nitong si Rocky (Anthony Jennings) sa finale episode ng barkada series na “Tara, G!,” na laging pasok sa top three shows ng iWantTFC. 

Bago ang season finale sa Disyembre 9, nagsama-sama kamakailan ang cast para sa advanced screening at mediacon kung saan naging emosyonal ang ilan sa kanila dahil sa nakakaantig na finale episode at nagpasalamat din sila sa nabuong magandang samahan sa set.

“Kanina naiiyak na rin ako kasi ‘yung isang eksena doon, ‘yun ‘yung last na tinake namin na magkakasama kami. Kasi parang natural lang ‘yung iyakan namin na nag-goodbye na. Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman ‘yung ganoong samahan,” sabi ni Anthony.

Ayon kay Daniela Stranner, “Kinikilig ako kasi ‘yung friendship namin lumabas talaga doon sa show. Sobrang natuwa ako.” Sabi naman ni JC Alcantara, “Sobrang saya at na-enjoy ko ‘yung moment. ‘Yung ‘Tara, G!’ ang nagbuo sa akin para mahalin ko ‘yung mga kaibigan ko.”

Ibinahagi rin nila ang ilang mahahalagang aral na napulot nila mula sa istorya tungkol sa pagmamahal para sa pamilya at kaibigan. 

Para kay Kaori Oinuma, “Huwag kang matakot na mag-open up sa mga kaibigan mo. Huwag mong isipin na hindi ka nila maiintindihan. At the end of the day, hindi mo alam na ready naman silang makinig sayo.”

“Ang dami kong learnings. Lahat tayo may shortcomings. Ang importante ay marunong tayong magpatawad at umintindi,” ani Vivoree Esclito.

Sa kasalukuyang kwento ng “Tara, G!”  nadurog ang puso ng Team WISE matapos tanggapin ni Rocky ang alok ni Gov (Dominic Ochoa) na pag-aralin muna siya imbes na ituloy agad ang negosyo nilang “Kape’t Kamay.” Bukod sa paglalambing ni Rocky sa kanyang barkada, gusto na rin niyang suyuin ang sikreto niyang crush na si Cars (Daniela).

Pero hindi lang sina Rocky at Cars ang magpapakilig sa finale episode dahil pursigido na talaga si Dan (JC) na makuha ang matagal na niyang inaasam na matamis na ‘oo’ ni Legs (Kaori). Mabubuo pa kaya ang Team WISE at magtagumpay sa “Kape’t Kamay”? Magkaka-happy ending ba sina Rocky at Cars, pati na rin sina Dan at Legs?

Abangan ang finale episode ng “Tara, G!” ngayong Biyernes (Disyembre 9), 8 PM (Manila time). Libre itong napapanood sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com) at available rin ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas. 

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.