News Releases

English | Tagalog

Piolo, Pepe, at Pia, hatid ang saya at kilig sa “My Papa Pi” ngayong Marso

February 12, 2022 AT 03:20 PM

Piolo, Pepe, and Pia to bring good vibes in “My Papa Pi” coming this March

In "My Papa Pi," Piolo, Pia, and Pepe, together with the entire cast, will not just bring fun and "kilig" to viewers but also inspire them with lessons about life, love, friendship, unity, and second chances that complete the show's winning recipe.

Direk Cathy, pangungunahan ang bagong "sweetcom" ng ABS-CBN

Nag-uumapaw na saya at kilig ang ihahain ni Piolo Pascual para sa mga Pilipino sa kanyang sweetcom na "My Papa Pi" na malapit nang mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC.

Makakasama ng nag-iisang Ultimate Heartthrob sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang hit comedian at versatile actor na si Pepe Herrera sa bagong palabas na ito mula sa Star Creatives at sa batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Iikot ang kwento ng "My Papa Pi" sa buhay nina Pipoy (Piolo), isang single dad na nais mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak, ang kanyang kambal na si  Popoy (Pepe), na may-ari ng sikat na tumbungan na “One More Tumbong,” at si Tere (Pia), isang babaeng may mabuting kalooban na one great love ni Popoy pero may pagtingin naman para kay Pipoy. 

Hatid ang iba pang timpla sa kwento ang kanilang mga kasama sa Brgy. Gintong Tupa na gaganapin nina Joross Gamboa, Alora Sasam, Hyubs Azarcon, Katya Santos, Daisy Lopez o Madam Inutz, at  ang breakout stars na sina Anthony Jennings at Daniela Stranner mula sa pelikulang "Love at First Stream."

Isa ang "My Papa Pi" sa mga inaabangang bagong programa ng ABS-CBN ngayong 2022 dahil ito ang pagbabalik ni Piolo sa paggawa ng serye sa ABS-CBN mula pa noong 2020.  Sweetcom kung tawagin ang kanyang bagong show na magpapangiti at magpapatibok ng puso ng mga manonood.

“It’s a nice breather. I even surprise myself dito sa show. Ang sarap having a solid cast and a director na fun. ‘Pag nakakapagpatawa ka o nakakapagbigay ng ligaya sa paligid mo it’s a nice feeling pabalik sa ‘yo,” ani Piolo sa kanyang bagong show.

Kaabang-abang din ang atake rito ni Direk Cathy na kilala sa kanyang box-office films at hit teleseryes. 

Kinwento ni Direk Cathy kung bakit tinanggap niya ang proyekto. “Ang top of all my reasons, si Piolo. I really want to work with Piolo kasi ang huli namin “Lobo” pa, dekada na ‘yun. So na-miss ko na siya…Pangalawa, it is something new to me. Sitcom na naging sweetcom. Tapos na-cutean ako sa idea na kambal si Pepe at Piolo. Natuwa ako doon tapos meron pang Queen P dito.”

“Itong set na ’to extra saya. Dala na rin siguro na sweetcom siya so alam naming lahat na kami ay dapat magagaan lang, patawa lang lahat,” dagdag pa niya.

Ito rin ang pagbabalik sa pag-acting ni Pia na bumida sa Star Cinema film na "My Perfect You" at naging host ng "World of Dance Philippines" at "Pia's Postcards." 

“Ang perfect ng project para sa akin kasi malalabas ko ‘yung kulit ko…So parang it’s a great way to come back. Sobrang grateful ko po na ako yung napili,” ika niya.

Patuloy naman ang pag-angat ni Pepe sa showbiz bilang komedyante matapos ang kanyang paglabas sa mga pelikula at serye tulad ng "Princess Dayareese," "Jhon En Marsha," "Hoy, Love You," at "The Killer Bride."

“Si Direk Cathy gusto ko makatrabaho ulit kasi siya ‘yung first ko sa TV sa “Forevermore” tapos si Pia at si Piolo nakikita ko lang dati sa TV or sa ASAP, hi hello lang, so naku-curious ako sa kanila. I feel very blessed and grateful,” kwento ni Pepe.

Sa "My Papa Pi," handog nina Piolo, Pia, at Pepe, at buong cast, ang mga aral sa buhay, pag-ibig, pagkakaibigan, pagkakaisa, at second chances bukod sa kilig at saya na pangunahing sangkap sa recipe ng programa. 

Abangan ito malapit na sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. Sundan ang Star Creatives sa Twitter Facebook, at Instagram  para sa updates. 

Para naman sa ibang ABS-CBN News, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.