News Releases

English | Tagalog

Trisha, Angela, Zion, at BINI, ‘di nagpahuli sa viral TikTok trend na “Every Summertime”

February 16, 2022 AT 11:49 AM

Feel-good na kanta ng Indonesian artist na si NIKI
 
Hindi nagpahuli ang ABS-CBN Music artists na sina Trisha Denise, Angela Ken, Zion Aguirre, at P-pop girl group na BINI sa pagsali sa “Every Summertime” trend sa TikTok tampok ang hit love song ng Southeast Asian artist na si NIKI mula sa 88rising record label.
 
Isinalin ng singer-songwriter na si Trisha sa Tagalog ang chorus ng kanta at ibinahagi sa kanyang mahigit 215,000 followers sa TikTok kung saan regular siyang nagpo-post ng Tagalog version ng mga sikat na K-drama soundtrack.
 
Napansin mismo ng Indonesian singer-songwriter na si NIKI ang post ni Trisha, at nag-iwan pa ng tatlong pulang puso sa reply section nito. Na-feature din sa Instagram story ng 88rising ang cover niya.
 
Naghandog din ang breakthrough artist na si Angela ng mapusong interpretasyon ng kanta para sa Araw ng mga Puso na nakatanggap naman ng comment na heart and fire emoji mula sa official TikTok account ng 88rising.
 
May acoustic cover naman ng “Every Summertime” ang TikTok star na si Zion na may mahigit 868,000 followers sa video-sharing platform. Samantala, nagpasiklab naman ng nakakabilib na harmonies nila ang BINI sa sweet version nila ng kanta na meron nang mahighit 2.3 milyong plays. Na-share din sa Instagram stories ng 88rising ang cover ni Zion at ng BINI.
 
Isang feel-good na kanta na tungkol sa dagdag-init na dala ng pag-ibig tuwing tag-init, ini-release ang “Every Summertime” noong August 2021 bilang isa sa mga kanta sa album para sa Marvel film na “Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings.” Simula noon, nag-viral na sa TikTok ang kanta na meron na ngayong mahigit 736,000 video entries at mahigit 245.9 million views para sa hashtag nitong #everysummertime. Co-writer at co-producer ng kanta ang Indonesian singer na si NIKI.
 
Samantala, ilan lang sina Trisha, Angela, Zion, at BINI sa mga papausbong na talents ng ABS-CBN Music na patuloy sa pagbabahagi ng kanilang musika at talent sa mundo. Nitong 2021, inilabas ni Trisha ang una niyang full-length album na “Piece of the Puzzle,” kamakailan lang ay na-feature bilang cover ng Spotify Philippines EQUAL playlist si Angela, ini-release din ni Zion ang mga kantang “Fallin’” at “Ikaw at Ako (Hanggang Dulo)” noong 2021, at nakasama naman ang BINI sa katatapos lang na “1MX Dubai 2021.”
 
Panoorin ang mga cover nina Trisha, Angela, Zion, at BINI ng “Every Summertime” sa kani-kanilang TikTok accounts. Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE