News Releases

English | Tagalog

Sharon, dinukot!

February 25, 2022 AT 12:58 PM

Roi kidnaps Sharon in "FPJ's Ang Probinsyano"

Will Aurora be able to escape from Eduardo? How will Cardo and Mara go about their mission?

Nasa panganib ang buhay ni Aurora (Sharon Cuneta)! Bihag siya ngayon ng tiyuhin niyang si Eduardo (Roi Vinzon) dahil balak nitong perahan ang mayaman niyang kapatid na si Ignacio (Tommy Abuel) sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Walang kamalay-malay si Ignacio na si Eduardo ang nasa likod ng pagdukot kay Aurora dahil ipinapalabas ni Eduardo na si Lito (Richard Gutierrez), ang mortal na kaaway ni Ignacio, ang mastermind. Matagal nang nagpapanggap si Eduardo dahil gusto niyang mapunta sa kanya ang lahat ng pera at ari-arian ng kanyang kapatid. 

Para magtagumpay si Eduardo sa kanyang plano, dinadahan-dahan niya ang pag-angkin sa kayaman ni Ignacio pagkatapos niyang humihingi ng kalahating bilyong piso kapalit ng kaligtasan ni Aurora.

Hindi pa roon nagtatapos ang problema ni Ignacio dahil pinaghahandaan na rin ni Mara (Julia Montes) ang pagpapapatay sa kanya. Malakas ang loob ni Mara na magtatagumpay na siya sa paghihiganti kay Ignacio dahil nasa panig na nila sina Cardo (Coco Martin) at ang Task Force Agila. 

Dahil sa kanilang pagsasanib-pwersa, desidido na rin si Cardo na ituloy ang kanilang misyon sa pagdakip kay presidente Oscar (Rowell Santiago) at mapasibak sa pwesto ang mga mapang-abusong opisyales ng gobyerno. 

Matatakasan kaya ni Aurora si Eduardo? Paano magtatagumpay sina Cardo at Mara sa kanilang misyon?

Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”  Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.