News Releases

English | Tagalog

Birthday pasabog ni Martin, pakatutukan sa 'ASAP Natin 'To'

February 04, 2022 AT 10:05 PM

Concert King Martin Nievera celebrates birthday on 'ASAP Natin 'To'

Get on your feet for a grand birthday performance from the Concert King himself, Martin Nievera, together with Gary Valenciano, Erik Santos, Darren, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez

Abangan din ang baby shower biritan ni Angeline, pa-birthday blowout ni Lovi, at ang musical number nina Alexa, Angela, at Anji live na live

Tuloy-tuloy ang all-star concert experience tampok ang world-class kantahan at sayawan mula sa inyong paboritong Kapamilya stars, tulad ng bonggang birthday pasabog nina Martin Nievera at Lovi Poe, baby shower performance ni Angeline Quinto, trio kantahan nina Alexa Ilacad, Angela Ken, at Anji Salvacion, at iba pa live na live ngayong Linggo (Pebrero 6) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Makisalo na sa pa-birthday blowout ng nag-iisang Concert King na si Martin Nievera kasama sina Gary Valenciano, Erik Santos, Darren, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown." Hindi rin pahuhuli sa kanyang kaarawan ang Kapamilya precious jewel na si Lovi Poe. 

Itodo na ang hatawan sa 2000s hits performance ng inyong "ASAP Natin 'To" family, kasama sina Janine Gutierrez, Robi Domingo, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Nyoy Volante, Enchong Dee, Kyle Echarri, Jameson Blake, Seth Fedelin, Edward Barber, Jeremy G, Krystal Brimner, Charlie Dizon, at marami pang iba. 

Maki-awit rin kasama sina Alexa Ilacad, Angela Ken, at Anji Salvacion, habang may bigating collab naman sa ASAP stage sina Bamboo, KZ, at Jona.

Damhin naman ang pag-ibig sa Morisette hits kantahan ng New Gen Birit Singers na sina Sheena Belarmino, Sam Mangubat, Janine Berdin, Anthony Castillo, Lara Maigue, Reiven Umali, Elha Nympha, at JM Yosures; at balikan din ang naunsiyaming love story ni Yeng Constantino sa kanyang "B.A.B.A.Y." performance live.

At abangan ang bigating baby shower biritan ni Angeline Quinto kasama sina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez sa ASAP stage.

Ito ang bigating party na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.