News Releases

English | Tagalog

Iba't ibang kwento ng pag-ibig, matutunghayan sa "MMK" ngayong Pebrero

February 07, 2022 AT 02:05 PM

Puno ng kilig ang mararamdaman ng mga Kapamilya sa bawat Sabado ng Pebrero sa iba't ibang kwento ng pag-ibig na handog ng "MMK." 

 

Isang kwento ng pagmamahalan na nagsimula sa Facebook ang pagbibidahan nina Kit Thompson at Jane Oineza sa Pebrero 12 na idinerehe ni Jerome Pobocan. Hindi na nag-alangan si John (Kit) na mag-add ng mga babaeng di niya kilala sa kanyang Facebook account sa pag-asang mahahanap ang kanyang true love.  Hindi naman siya nagkamali dahil makikilala niya rito si Jane na siyang magiging nobya niya. Alamin kung ano-anong pagsubok ang kanilang haharapin.

 

Bibida naman ang kinagigiliwang loveteam na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa "MMK" sa Pebrero 19 bilang sina Theza at John. Idinerehe ni Raz dela Torre, magsisilbing inspirasyon sina Theza at John na hindi hadlang ang pagkakaiba ng estado nila sa buhay para sila ay magmahalan. 

 

Makaka-relate naman ang mga kabataan sa classic love story ni Natasshia (Eliza Pineda) at ng kanyang crush. Kahit walang karanasan sa relasyon, gagawin ni Natasshia ang lahat para mapansin ng kanyang minamahal. Alamin kung magtagumpay siya rito sa Pebrero 26. 

 

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.