News Releases

English | Tagalog

Roque ng "PBB Kumunity," ligtas mula sa double eviction

February 09, 2022 AT 04:05 AM

Housemate Roque is saved from double eviction in "PBB Kumunity"

Adult housemate Roque Coting breathed a sigh of relief after being saved in the double eviction in “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition on Saturday (February 5) on Kapamilya Channel.

Aleck, Basti, Kathleen, at Rica, nominado  
 

Malaki ang ginhawa ng adult housemate na si  Roque Coting sa pagkakaligtas mula sa ginanap na double eviction sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition noong Sabado (Pebrero 5) sa Kapamilya Channel.  

Nakakuha ang “Sales-Masikap Man ng Davao” ng 20.88% ng boto mula sa outside world, kaya naman mananatili pa siya sa bahay ni Kuya. Tuluyan namang natuldukan ang pamamalagi nina Andrei King at Thamara Alexandria sa “PBB” matapos makakuha ng pinakamababang combined votes to save and evict. Nakapagtala si Andrei ng 18.69% habang 9.36% ang nakuhang boto ni Thamara. 

Bago bumalik sa outside world, may pabaon naman si Kuya na inspirasyon sa dalawang evictees.  

“Naniniwala akong marami kang natutunan na bubuo sa iyong pagkatao. Ipinakita mo na ikaw ay tumayo bilang isang kapatid, kaibigan, at ikaw ay naging sandalan ng iyong mga kasama,” mensahe ni Kuya kay Thamara. 

Ani naman ni Kuya kay Andrei, “bilang isang dreamer, hindi maikakaila na ipinakita mo ang iyong determinasyon sa paghahabol ng iyong pangarap. Sa paglabas mo ng aking bahay, nawa’y dalhin at panatilihin mo ang iyong ipinakitang pagsisikap.” 

Nalagay naman sa alanganin sina Aleck Inigo, Basti Macaraan, Kathleen Agir, at Rica Kriemhild bilang mga nominado para sa ikalawang eviction night sa Sabado (Pebrero 12). 

Nakakuha si Aleck ng 13 puntos na sinundan nina Kathleen (11 puntos), Basti (4 puntos), at Rica (4 puntos). 

Bago maging nominado, umamin si Basti sa kanyang pagtingin kay Rica sa isang date. Inawit din ng “Ang Service Crewlit Bro ng Italy” ang kanyang sinulat na kanta para kay Rica. 

“I have a crush on you talaga, pero ayokong sabihin dahil alam ko na ang sagot and pagdating sa iba talo naman ako parati,” ani Basti na nag-kwento rin na nagkausap na sila ni Rica dati sa Instagram. 

Nagulat naman si Rica sa pag-amin ni Basti. “I’m so shocked, pero thank you, pero I really appreciate it kasi ‘di ba start pa lang kayo ni Kuya Jaye ang una kong nakita. Alam mo naman na parang I see you and Kuya Jaye as my brothers. I’m sorry, Basti. I just want to be honest with you talaga,” giit ng “Ang Dolce Amore Daughter ng Italy.” 

Samantala, nakakuha naman sina Jaye Macaraan, Michael Ver Comaling, at Roque Coting ng immunity para sa nominasyon matapos manalo sa weekly challenge, habang pinili naman nina Isabel Laohoo at Nathan Juane na hindi gamitin ang kanilang immunity ngayong linggo. 

Ano na naman kaya ang bagong hamon at pasabog ngayong buwan ng pag-ibig? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.   

Abangan din sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Enchong Dee, at Melai Cantiveros sa “Kumulitan” sa Kumu tuwing 5:30 pm. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.         

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE