News Releases

English | Tagalog

Napa-wow ni Gigi De Lana at ng Gigi Vibes ang Maynila, Next stop sa Middle East para sa concert tour

March 10, 2022 AT 01:27 AM

Gigi De Lana and The Gigi Vibes conquer Manila, head for the Middle East for concert tour

OFWs in Dubai, Abu Dhabi, and Bahrain eager to watch Filipina pop sensation and her band after their sold-out show in Manila

Mga OFW sa Dubai, Abu Dhabi, at Bahrain, sabik na mapanood ang Filipina pop sensation at ang banda niya pagkatapos ng kanilang sold-out show sa Manila

 
DUBAI, UAE, March 10, 2022 - Matagal-tagal na rin mula nang makaranas ng full house ang Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, ngunit napuno ng super-hot Filipina singing sensation na si Gigi De Lana at ng kanyang bandang The Gigi Vibes ang venue noong Marso 5 sa pag-kick-off ng kanilang "Domination" international concert tour.
 
Ang tagumpay ng Manila leg ay lalo lang nagpataas ng pananabik para kina Gigi at The Gigi Vibes ng mga overseas Filipino workers sa Middle East kung saan magkakaroon ng tatlong konsiyerto ang grupo:
  • Dubai - March 12 sa Jubilee Stage ng Dubai's EXPO 2020, sa pakikipagtulungan ng Philippine Department of Trade and Industry (DTI);
  • Abu Dhabi - March 18 sa National Theatre ng Abu Dhabi with guest artist, Sam Concepcion; at
  • Bahrain - March 25 sa Crowned Plaza Bahrain, kasama pa rin si Sam Concepcion. Ito naman ay sa pakikipagtulungan ng The Filipino Club in Bahrain. 
 
Ang "Domination" ang pinakabagong milestone para kay De Lana na sa loob ng isang taon ay naglabas ng isang chart-topping single (Sakalam), lumabas sa isang lead role kasama si Gerald Anderson sa kanyang unang serye, "Hello, Heart", naglabas ng kanyang pinakahihintay na self-titled debut album, nakasama sa 1MX Music Festival sa Dubai, at nagkaroon ng kanyang unang ticketed na virtual concert bilang pagtatapos ng 2021, bukod sa iba pa.
  
Kasama ni De Lana ang The Gigi Vibes na kinabibilangan nila Jon Cruz (musical director, keyboard), Jake Manalo (bass), Julius Traqueña (guitar), at Romeo Marquez (drums). 
 
Bagamat ang Dubai EXPO leg -- na libre -- ay isang oras na mini-concert, ang mga may tiket para sa Abu Dhabi at Bahrain na mga concert ay mag-eenjoy ng dalawang oras na  konsiyerto.
 
Isang espesyal na handog para sa mga fans ang inihandang Meet and Greet kasama si De Lana at The Gigi Vibes sa Al Ghurair Center sa Marso 11 sa 7pm.
 
Ang "Domination" concert sa Dubai ay libre para sa mga may tiket sa EXPO 2020. Makakabili ng mga tiket sa Abu Dhabi concert sa Virgin Megastore sa mga sumusunod na presyo: Platinum - 200 AED; Ginto - 160 AED; Pilak - 120 AED; at Bronze - 80 AED. Para sa mga tiket sa palabas sa Bahrain, tawagan si Ric Advincula sa +97339997288. Ang mga presyo ay nasa: Platinum - 25 BHD (reserved seating); Ginto - 15 BHD (free seating); at Pilak - 8 BHD (free seating).