News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, inilunsad ang bagong edisyon ng "Bida Star"

March 16, 2022 AT 11:17 AM

Nagbabalik ang online talent competiton ng ABS-CBN na "Bida Star"  para hanapin ang susunod na online singing sensation na pupukaw sa damdamin ng manonood sa bago nitong edisyon na "Bida Star Singer" kasama sina Karina Bautista at Aljon Mendoza at ang pinakabago nitong host na  si Anji Salvacion.

 

"Naranasan ko rin ang mararanasan nila kaya nagpapasalamat ako na makasama bilang host ng isang singing contest kasi dito rin ako nagsimula," sabi ni Anji na dating contestant sa “Idol Philippines.” 

 

Dadaang ang mga aspiring singer sa iba't ibang hamon tulad ng "The Cover" kung saan magpapasiklaban sila sa harap ng hurado, "The Online Gig" kung saan ite-takeover nila ang kumu account ng Star Hunt, at online bagsakan.

 

Ani ni Karina, "Mas na-eexcite ako ngayon kasi gusto ko makita kung paano bibigyan ng bagong flavor ng contestants ang mga kanta na marami nang umawit. Excited ako kung ano pa ang mabibigay nila at mahahandog nila sa ating mga Kapamilya."

 

Ibinahagi naman ni Aljon kung paano nahasa ng "Bida Star" ang kanyang skills sa hosting.  "Natutunan ko kasing makinig sa mga guest kaysa magfocus sa mga tanong na ibinigay. Mas importante kasi yung communication at connection," saad niya.

 

Tiyak naman na marami matutunan ang mapipiling contestants sa mga huradong sina singing coach Anna Graham, Polaris head Reily Santiago, at isang weekly celebrity guest judge mula sa Polaris.

 

Bongga naman ang mauuwing premyong ng winner ng "Bida Star Singer," kasama dito ang ABS-CBN management and recording contract, isang special trophy, at P50,000. 

Bukas ang auditions para sa mga Pilipinong may edad 18 pataas at may talento sa pagkanta. Maari pa silang sumali hanggang Marso 18 (Biyernes), bisitahin ang forms.abs-cbn.com/bidastarsinger para sa karagdagang impormasyon at i-fill out ang application form. 

Nakapagbigay daan "Bida Star" para tuparin ang pangarap ng mga Pilipinong may natatanging talento sa pag-arte katulad nina Dustine Mayores na isang "PBB" kumunity season 10 teen housemate ngayon at Ruth Paga na isang Star Hunt artist. Parehas silang hinirang na Ultimate Bida Stars sa nakaraang seasons.

Para sa updates tungkol sa “Bida Star,” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).