News Releases

English | Tagalog

"Domination" in Dubai: Niyanig nila Gigi De Lana at ng The Gigi Vibes ang Jubilee Stage sa Expo 2020 Dubai sa harap ng 10,000 fans

March 16, 2022 AT 06:10 AM

"Domination" in Dubai: Gigi De Lana and The Gigi Vibes rock the Jubilee Stage of Expo 2020 Dubai before 10,000 fans

Red hot Filipina singer and her band to perform next in Abu Dhabi and Bahrain

DUBAI, UAE, Marso 16, 2022 - Isang umaatikabong segue mula sa isang sold-out na kick-off na konsiyerto sa Maynila noong nakaraang ika-5 ng Marso  hanggang sa isang high-energy at sobrang siksik na Jubilee Stage sa harap ng 10,000 na nagtitiliang mga tagahanga sa Expo 2020 Dubai noong Marso 12. Ito ang mainit na pagtanggap na natamo ng Filipina -singer-actress na si Gigi De Lana at ng kanyang banda, The Gigi Vibes, nitong nakaraang Sabado sa kanilang "Domination" concert tour sa Middle East.
 
"Live events are back with a vengeance," ani ng ABS-CBN Managing Director ng Europe, Middle East at Africa at Global Head of Events Joseph A. Garcia.  "We at ABS-CBN TFC, together with our presenting partner, the Philippine Department of Trade and Industry, are so delighted and grateful to start our Filipino events calendar this year with a bang. Gigi De Lana and The Gigi Vibes truly celebrated Filipino pride and showcased world-class Filipino talent on the world stage right here at Expo 2020 Dubai."  
 
Mula sa kanilang pagdating sa Dubai International Airport hanggang sa kanilang Meet and Greet sa Al Ghurair Center sa Deira sa sentro ng Old Dubai, sinusundan sila Gigi at ang kanyang banda ng sandamakmak na mga tagahanga at maihahalintulad ang kanilang pananabik  sa pakiramdam kapag  makita ang mga mahal sa buhay pagkatapos ng mahabang panahon ng paghihiwalay.
 
Damang-dama ang positive vibes at ang ganap na kaligayahan  sa isang oras na concert sa Jubilee Stage. Libu-libong tagahanga na armado ng mga cell phone ang kumuha ng mga shot at nag-record ng mga video ni Gigi at ng kanyang banda, sumayaw, at sumabay sa kanilang mga awitin.
 
"Ang sarap ng pagtanggap sa amin ng mga kabayan namin dito. Maraming, maraming salamat po,” buong pasasalamat na pahayag ni De Lana sa local media. 
 
Here are some exciting, energy-packed scenes at the Domination Tour Dubai leg of Gigi De Lana and The Gigi Vibes from ABS-CBN Events:
 
Narito ang ilang kapana-panabik, puno ng energy na mga eksena mula sa Domination Tour Dubai nila Gigi De Lana at ng The Gigi Vibes mula sa ABS-CBN Events:
 
Mula sa Dubai, narito ang mga susunod na shows ng Domination na parehong tag-dalawang oras na konsiyerto:
  • Abu Dhabi - March 18 sa National Theatre of Abu Dhabi kasama ang guest artist na si Sam Concepcion; at
  • Bahrain - March 25 sa Crowned Plaza Bahrain, kasama pa rin si Sam Concepcion. Ito ay katuwang ng The Filipino Club sa Bahrain.
Available ang mga tiket sa Abu Dhabi sa Virgin Megastore sa mga sumusunod na presyo: Platinum - 200 AED; Gold - 160 AED; Silver - 120 AED; at Bronze - 80 AED. Para sa mga tiket sa palabas sa Bahrain, tawagan si Ric Advincula sa +97339997288. Ang mga presyo ay: Platinum - 25 BHD (reserved seating); Gold - 15 BHD (free seating); and Silver - 8 BHD (free seating).