News Releases

English | Tagalog

High-class na fashion at high-energy na performances ang ipibaghalo nila Gigi De Lana at ng Gigi Vibes sa Abu Dhabi leg ng kanilang Domination Tour

March 22, 2022 AT 05:55 AM

Gigi De Lana and The Gigi Vibes fuse high fashion and crowd-pleasing numbers into Abu Dhabi leg of Domination Tour

Red-hot Filipina singer and band continue to wow and surprise audiences, will bring concert to Bahrain on March 25

ABU DHABI, UAE, ika-21 ng MARSO, 2022 - Matapos ang kanilang kahanga-hangang concert sa Jubilee Stage ng Dubai Expo 2020, dinala naman nila Gigi De Lana at ng Gigi Vibes ang kanilang "Domination" Middle East Tour nitong nakaraang Biyernes sa National Theater ng Abu Dhabi, isang kultural na palatandaan -- isa sa pinakamalaking auditorium ng UAE na isang lugar para sa teatro, mga sinehan, mga kumperensya, at mga eksibisyon.
 
Para Abu Dhabi concert, ipinagpalit ni De Lana ang leather jacket, plaid na pantalon at platform sneakers para sa mas pormal na couture fashion na mas nababagay sa pangkalahatang awra ng National Theatre. Sa katunayan, walang iba kundi ang bantog na Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco ang nagdisenyo ng gown ni De Lana para sa kanyang finale.
 
Kakaiba ang karanasan ng mga manonood sa Abu Dhabi: masusi ang paghahanda sa produksyon, at animo’y naglalakbay ang mga manonood mula sa earthiness patungo sa etherealness, sa pamamagitan ng mga kanta ni De Lana at sa malikhaing disenyo sa entablado.
 
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na makikitang magkasama sila De Lana, ang Gigi Vibes, at si Sam Concepcion. Umaatikabong palakpakan ang sumalubong sa mga duet nila De Lana at Concepcion.
 
 
 
Ipinakita muli ni De Lana at ng Gigi Vibes ang versatile voice ni De Lana na kayang-kaya ang mga dramatic pop rock/power pop Pinoy originals, at gayundin ang husay na pinakita sa mga cover ng mga kanta mula sa mga tulad ng jazz singer na si Diane Reeves, soul/R&B singer na si Chaka Khan, disco vocal group na Sister Sledge, at maging ang country singer na si Kenny Rogers at ang pop icon na si Karen Carpenter, para banggitin lang ang ilan.
 
Ang dahilan para sa napakalawak na repertoire na ito? Nagkaroon ng napakasayang audience request portion sina De Lana at ang Gigi Vibes kung saan pinagbigyan nila ang  mga manonood sa pamamagitan ng pagkanta ng kanilang most requested songs. Nagsilbi rin itong paalala sa lahat na si De Lana ay sumikat sa social media sa pamamagitan ng pagkanta ng mga cover na nakakuha ng milyun-milyong views bago siya pormal na pumasok sa recording industry.
 
Huling pagkakataon para sa mga fans sa Middle East na mapanood ang Domination sa final stop nila De Lana at ng kanyang banda sa Crowne Plaza Bahrain, kasama pa rin si Sam Concepcion. Ang concert sa Bahrain ay sa pakikipagtulungan ng The Filipino Club sa Bahrain.
 
 
Para sa mga tiket sa Bahrain show, tumawag lamang kay Ric Advincula sa +97339997288. Makukuha ang mmga tiket sa sumusunod na presyo: Platinum - 25 BHD (reserved seating); Gold - 15 BHD (free seating); and Silver - 8 BHD (free seating).