News Releases

English | Tagalog

Donny at Belle, muling magpapakilig sa "He's Into Her Season 2"

March 26, 2022 AT 09:46 AM

Donny and Belle face highs and lows of young love in "He's Into Her Season 2"

Deib and Max will face the highs and lows of a young couple as they endure real problems that come with a more mature relationship.  

Mapapanood nang libre sa Pilipinas sa Abril 22 sa iWantTFC

​Mapapanood na ngayong Abril ang pinaka-inaabangang pagpapatuloy ng pag-iibigan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa “He’s Into Her Season 2” matapos maging number one show sa iWantTFC noong ipinalabas ang unang season nito.

Una itong mapapanood ng iWantTFC premium users sa labas ng Pilipinas sa Abril 20 at magiging available naman ito nang libre sa lahat ng iWantTFC users sa Pilipinas at sa Indonesia sa Abril 22.  

Sa “He’s Into Her Season 2,” patuloy ang pagpapakilig nina Deib (Donny) at Max (Belle) bilang ang pinakasikat na love team sa kanilang eskwelahan. Ngunit, matitinding mga balakid ang haharapin ng dalawa dahil muling lilitaw ang mga sikreto ng kanilang nakaraan - na susubok sa kanilang tiwala at pagmamahalan para sa isa’t isa. 

Madami ring kapanapanabik na rebelasyon ang dapat abangan sa season two mula sa mga karakter nina Randall, Kim, Lee, Naih, Michiko, Ysay, Lorde, at Migz (Jeremiah Lisbo, Dalia Varde, Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Gello Marquez, at Limer Veloso), kabilang na rito ang posibilidad ng isang love triangle, ang pagbabalik ng isang naudlot na pagtitinginan, at ang masakit na karanasan dahil sa ‘ghosting.’

Magkaroon pa kaya ng happy ending sina Deib at Max? 

Papasok din ang mga bagong karakter na gagampanan nina JC Alcantara, Reich Alim, Zach Castañeda, Shanaia Gomez, River Joseph, CJ Salonga, Rajo Serrano, at Mikha ng P-pop group na BINI. Dapat ding abangan ng fans ang isang espesyal na primer ng serye, na magiging available sa buong mundo nang libre sa Abril 17. 

Napapanood din sa iWantTFC ang lahat ng episodes ng "He's Into Her" season one, "He's Into Her: The Journey," at ang "The Benison Ball" digital concert.

Ang “He’s Into Her Season 2” ay mula sa direksyon ni Chad V. Vidanes, panunulat ni Vanessa Valdez, at sa ilalim ng produksyon ng ABS-CBN Entertainment, Star Cinema, at iWantTFC. 

Mapapanood sa Pilipinas ang advance episodes ng “He’s Into Her Season 2” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) simula sa Abril 22 at may bagong episode kada Miyerkules para sa iWantTFC premium users sa labas ng Pilipinas at kada Biyernes para sa iWantTFC users sa Pilipinas at Indonesia. Magiging available naman ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z sa Abril 24. 

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.