News Releases

English | Tagalog

KD, unang makakasama ni Bianca sa bagong season ng “CinemaNews”

March 03, 2022 AT 02:24 PM

Abangan din ang CinemaNews’ “And Cut!” sa YouTube

Isa sa hottest rising stars ngayon na si KD Estrada ang makakasama ni Bianca Gonzalez sa bagong season ng “CinemaNews,” na mapapanood na simula ngayong Biyernes (Marso 4), 9 PM sa Cinema One.

Mula sa tagumpay ng unang virtual fan con nila ng kapwa “PBB Kumunity Season 10” ex-celebrity housemate na si Alexa Ilacad, magkukwento si KD ng mga dapat pang abangan sa kanya sa bagong episode ng “CinemaNews” na nagbabalik kasama ang longtime host na si Bianca.

Bukod sa mismong celebrity interviews, dapat ding tutukan ng mga manonood ang pinakamaiinit na showbiz happenings na tampok sa “CinemaNews” kabilang na ang mga pasilip sa entertainment events, movie premieres, media conferences, at iba pang exclusives.

Para naman sa mga bitin sa umereng episode, dapat abangan ang bagong YouTube exclusive na “And Cut!” kung saan mapapanood ang mga chikahan at tanong na hindi nakasama sa final cut ng bawat episode.

Inilunsad noong 2008 ang “CinemaNews” na isang orihinal na produksyon ng Cinema One na sumesentro sa latest celebrity updates at naghahatid din ng mga detalye ng upcoming TV shows, concerts, mga pelikula, at iba pang balitang showbiz.

Maging updated sa iyong paboritong stars at pelikula at panoorin ang premiere ng “CinemaNews” ngayong Biyernes (Marso 4), 9 PM sa Cinema One, na available sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Paa sa iba pang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, TikTok, YouTube, atInstagram.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.