News Releases

English | Tagalog

"FPJ's Ang Probinsyano," winasak ang sariling live viewership record sa YouTube

April 13, 2022 AT 11:03 AM

Tinutukan ng mga manonood ang madugong bakbakan sa “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos wasakin ng serye ang sarili nitong live viewership record sa Kapamilya Online Live sa YouTube, kung saan nagtala ng all-time high na 222,000 live concurrent viewers ang episode noong Lunes (Abril 11). Ito ang pangalawang sunod na episode na nakamit ng serye ang panibagong record matapos mapanood ang matinding sagupaan sa pagitan ni Cardo (Coco Martin) at mga kalaban niyang sina first lady Lily (Lorna Tolentino), Lito (Richard Gutierrez), at Albert (Geoff Eigenmann). 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE