News Releases

English | Tagalog

Ez Mil, live na live ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

April 29, 2022 AT 03:22 PM

Fil-Am rapper Ez Mil performs live on 'ASAP Natin 'To'

Get on your feet and celebrate our Pinoy pride with a hyped-up hip-hop performance from Fil-Am rapper and "Panalo" hitmaker Ez Mil

Abangan din sina Gary V., Martin, Ogie, Regine, at ang inyong 'ASAP Natin 'To' family
 
Panalo ang inyong summer weekend dahil sa isa nanamang pasabog na concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya stars live na live ngayong Labor Day Sunday (Mayo 1) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Damhin ang Pinoy pride sa panalong performance ng Fil-Am rapper na si Ez Mil, live na live sa ASAP stage kasama ang pangmalakasang singer, Gigi de Lana.
 
Maki-hataw rin kasama ang OPM power couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, tampok ang kanilang bagong single na "I L Y" na sasabayan ng pag-indak nina Enchong Dee, Joao Constancia, at Jin Macapagal.
 
Mas iinit ang ASAP stage sa nagbabagang "Star Magic Presents" performance nina Slay cover girl Alexa Ilacad at Ultimate Slaymate Thamara Alexandria kasama sina Alyssa Exala, Sharina Villena, at Missy Quiño. Hindi rin pahuhuli sa mainit-init na sayawan sina Andrea Brillantes, Vivoree Esclito, Kira Balinger, Michelle Vito, Karina Bautista, Jane Oineza, Alora Sasam, Zach Castañeda, Eian Rances, Brent Manalo, Elmo Magalona, at Enzo Pineda.
 
Sumabay rin sa '80s kantahan at hatawan nina Janine Gutierrez, Darren, Jona, vocal trio iDolls, Ogie, Regine, Martin Nievera, Gary Valenciano, at ang buong "ASAP Natin 'To" family, kasama ang Kapamilya host na si Robi Domingo.
 
Times three ang concert experience dahil sa mga trio kantahan ng mga paborito ninyong artista, tampok ang girl power performance nina AC Bonifacio, Charlie Dizon, at Jayda; at ang hugot biritan nina Martin, Gary V., at Moira dela Torre.
 
Maki-indak din sa matinding pop performance nina Darren, AC, at Chie Filomeno.
 
Abangan din ang sessionistas jamming nina Anji Salvacion, Angela Ken, Sam Cruz, Shanaia Gomez, KD Estrada, Diego Gutierrez, Jeremy G, Benedix Ramos, at Jordan Andrews kasama sina Nyoy Volante, Ice Seguerra, at JM de Guzman.
 
Todo-todo rin ang duet biritan ng New Gen Birit idols na sina Janine Berdin, Lara Maigue, JM Yosures, Sam Mangubat, JM dela Cerna, Reiven Umali, Sheena Belarmino, at Fana.
 
At huwag palampasin ang OPM classics tapatan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Jona, Erik Santos, Jed Madela, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Live na live ang world-class summer concert treat mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.