News Releases

English | Tagalog

Pagluluto, pagsasayaw, at adulting 101, tampok sa FYE Channel

April 04, 2022 AT 10:55 AM

‘School at Home’ block ng Knowledge Channel, nasa FYE na rin!

Patuloy ang digital channel na For Your Entertainment (FYE) sa pagpapalawak ng presensya nito sa Pinoy community app na kumu sa pamamagitan ng mga bagong livestream sa pagluluto, pagsasayaw, edukasyon, at iba pa upang maghatid ng iba’t ibang libangan at kaalaman sa mga manonood.

Sa kasalukuyan ay meron nang 540,000 followers ang FYE at simula ngayong buwan ay magtatampok ng vegan recipes sa “Your New VFF (Vegan Filipino Food)” kasama ang Astig Vegan na si RG Enriquez-Diez tuwing Martes, 12nn, habang pinagsamang musika at pagluluto naman ang mapapanood sa “The Sandok Music” kasama ang actress-singer na si Carla Laforteza tuwing Sabado, 12nn.

Nasa FYE Channel na rin ang “School at Home” block ng Knowledge Channel na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes. Tiyak na kawiwilihan ng mga kabataan ang “Wikaharian Online World” (Lunes), “”Learn with Lyqa” (Martes), “Knowledge On-The-Go” at “MathDali LIVE” (Miyerkules), “Money Lessons with FQ Mom” kasama ang finance guru na si Rose Fres Fausto (Huwebes), at “Art Smart with Teacher Precious” (Biyernes).

Syempre hindi papahuli sa paghahatid ng saya sa pamamagitan ng sayawan ang virtual club na “Club Fifty Five” kasama si DJ M.O.D. tuwing Huwebes, 9:30 pm at ang dance tutorial na “Tutting” kasama si Seth Michael tuwing Biyernes, 2 pm.

Samantala, usapang “Adulting 101” naman ang hatid ni Floi Wycoco tuwing Sabado, 10 am, para gabayan ang netizens sa pagiging praktikal at wais sa pera. Maaari namang makinig ang mga pamilya sa mahahalang diskusyon at updates sa “Pamilya Talk” kasama si Jing Castaneda tuwing Martes at Miyerkules, 4 pm.

Isa sa digital channels ng ABS-CBN subsidiary na Creative Programs, Inc. ang FYE na nagpapalabas ng iba’t ibang livestream araw-araw tampok ang Kapamilya personalities at top social media stars. Ilan sa patok nitong programa ang “Bawal Ma-Stress Drilon” ni Ces Drilon, “Hanz Swerte, Hanz Saya” ni Master Hanz Cua, comedy show na “Lakas Tawa” ni Alex Calleja, at showbiz talk shows na “Anong Meron, Chikkaness?” “Showbiz Café,” at “Kumu Star Ka.”

Matuto ng bagong recipe, skill, at iba pang kaalaman sa FYE Channel. Magdownload na ng kumu app (https://app.kumu.ph/fyechannel) at sundan ang @fyechannel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE