News Releases

English | Tagalog

Rob, Kai, at Stephanie nominado muli para sa ikalawang eviction night sa "PBB Kumunity"

April 06, 2022 AT 12:44 PM

Delikado muli ang lagay nina Rob Blackburn, Kai Espenido, at Stephanie Jordan dahil nominado sila para sa susunod na eviction night sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.  

 

Nanguna sa nominasyon si Rob na may 13 puntos. Sumunod naman sina Kai na nabigyan ng 8 puntos at Stephanie na may 5 puntos.  

 

Nagwakas na rin ang pamamalagi ni Don Hilario sa bahay ni Kuya matapos siyang maging unang teen housemate na na-evict.

Nakakuha ang “Lola’s Boy Galing ng Laguna” ng 2.09 percent ng combined votes to save at evict mula sa outside world, habang nakahinga naman ng malalim sina Stephanie (8.09 percent), Kai (12.05 percent), Stef Draper (16.58 percent), at Rob (34.71 percent) sa pagkakaligtas mula sa eviction. 

 

Nagpapasalamat si Don sa ibinigay sa kanyang oportunidad na maging bahagi ng “PBB Kumunity” na pangarap niya lang dati. 

 

“Very happy na na-meet ko yung mga kapwa kong housemates. Dream ko ‘to. I’m very grateful sa opportunity dahil ang daming nangangarap nito,” ani Don nang salubungin siya ng ‘pamilya ni Kuya’ na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Kim Chiu. 

 

 

Naglagablab din ang tensyon sa bahay ni Kuya dahil sa pagtaas ni Rob ng kanyang boses kay Kai na nagpaalala lang naman sa housemates ng instructions ng kanilang weekly task.  Bukod kay Kai, napagtaasan din ni Rob ng boses ang iba pa niyang housemates na sina Stef at Maxine Trinidad.  

 

Paliwanag ng “Ang Traveling Wonder Lad ng Laguna,” may problema raw talaga siya sa komunikasyon at nahihiya siya sa kanyang ginawa sa kapwa housemates. 

 

“I have problems with communicating to other people. I have problems with connecting to other people. I have problems making friends everywhere I went,” giit ni Rob na humingi rin ng tawad sa kanyang housemates dahil hindi niya ito sinasadya.

Panalo naman ang housemates sa kanilang weekly task na gayahin ang isang imahe sa pagbuo ng photo mosaic na may 324 pieces ng iba’t ibang litrato. 

 

Magbago na kaya ang pakikitungo ni Rob sa kapwa housemates? Sino kaya ang susunod na magpapaalam sa bahay ni Kuya? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition. Sundan ang official “PBB” social media accounts na @PBBabscbn sa Twitter at @PBBabscbntv sa Facebook at Instagram sa at manood ng “Kumulitan” sa @pbbabscbn sa Kumu ng 5:45 pm at “Kumunity G sa Gabi” ng 9 pm kasama ang ex-adult housemate na si Seham Daghlas. 

    

Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Abangan din ang dailly Kumulitan sa app.kumu.ph/pbbhouse.  

    

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.