News Releases

English | Tagalog

Comeback housemates, may pagkakataong mapabilang sa Biga10 housemates ni Kuya

May 17, 2022 AT 04:53 PM

Comeback housemates get second chance to be part of PBB's Biga10 housemates

The excitement continues inside the “PBB” house as the celebrity, adult, and teen comeback housemates start their bid to become part of Big Brother’s Biga10 housemates in “PBB Kumunity” Season 10.

Gabb at Rob, tinanghal na “PBB Teen Kumunity Top 2” 

 

Nagsimula na ang kapana-panabik na bakbakan ng celebrity, adult, at teen comeback housemates upang mabilang sa Biga10 housemates ni Kuya sa “PBB Kumunity Season 10.” 

Simula Mayo 15 hanggang 17, sabay-sabay na magla-livestream sa Kumu ang comeback housemates na sina Brenda Mage at Madam Inutz ng Celebrity Edition, Michael Ver Comaling at Zach Guerrero ng Adult Edition, at Stephanie Jordan at Maxine Trinidad ng Teen Edition para mabigyan ng pagkakataong makasama sa sampung magtutunggali para maging Big Winner ng season na ito.

Ang kumunity (adult, celebrity, o teen) na may pinakamaraming virtual gifts na matatanggap ay makakakuha ng dalawang pwesto sa Biga10 housemates. Pero may tsansa pa ang ibang comeback housemates dahil paglalabanan nila ang natitirang dalawang slots sa pamamagitan ng pagharap sa mga hamon ni Kuya.  

Noong Linggo (Mayo 15), nakabalik na sa bahay ni Kuya ang top 2 housemates mula sa bawat kumunity na sina Anji Salvacion, Samantha Bernardo, Nathan Juane, at Isabel Laohoo kasama ang katatanghal lang na top 2 teen housemates na sina Gabb Skribikin at Rob Blackburn. 

Nakakuha si Rob ng 27.1 percent na boto, habang 22.34 percent naman ang natanggap ni Gabb. Bukod sa pwesto sa Biga10 housemates ni Kuya, nakatanggap din ang top 2 teen housemates ng tig-P100,000. 

Sino kaya ang apat na comeback housemates na bubuo sa Biga10 housemates ni Kuya? Abangan sa “PBB Kumunity” Season 10. Sundan ang official “PBB” social media accounts na @PBBabscbn sa Twitter at @PBBabscbntv sa Facebook at Instagram sa at manood ng “Kumulitan” sa @pbbabscbn sa Kumu ng 5:45 pm at “Kumunity G sa Gabi” ng 9 pm.   

Tutok lang din sa “PBB Kumunity” Season 10 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Abangan din ang dailly Kumulitan sa app.kumu.ph/pbbhouse.     

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.