News Releases

English | Tagalog

Drive-In Cinema One, ipapalabas nang libre ang iWantTFC Original na “He’s Into Her” S1 movie cut

May 17, 2022 AT 12:00 PM

Abangan ang hit series ng #DonBelle sa #DriveInCinemaOne!
 
Dalhin ang buong pamilya o isama ang sarili niyong ‘bearkada’ at namnamin ang saya at kilig sa libreng screening ng “He’s Into Her Season 1: The Movie Cut” sa “Drive-In Cinema One” sa Mayo 28 (Sabado) sa Vertis North Estate.
 
Mapapanood sa summer edition ng “Drive-In Cinema One: A Drive-Thru Movie Experience” ang simula ng pag-iibigan nina Deib (Donny Pangilinan) at Maxpein (Belle Mariano) na talaga namang nagpa-ibig sa mga manonood ng “He’s Into Her” season 1. Handog ito ng Cinema One katulong ang Ayala Malls Vertis North at Vertis North Estate.
 
Hahatiin sa dalawang bahagi ang iWantTFC Original na “He’s Into Her: The Movie Cut” na tiyak na magpapakilig sa mga manonood. Bukod dito, magpapasaya rin ang iba’t ibang food booth na tampok sa drive-in.
 
Kinilala bilang most watched series sa iWantTFC noong 2021 ang “He’ Into Her” na nagpasikat sa #DonBelle tandem na tinatawag na ngayon bilang New Gen Phenomenal Love Team. Kasalukuyan ding ipinapalabas ang season 2 nito. 
 
Makisaya sa “Drive-In Cinema One” sa Mayo 28 (Sabado) sa Vertis North Estate. Magbubukas ang gate nito ng 5 pm. Bisitahin ang ticketmelon.com para malaman ang event guidelines at makakuha ng libreng ticket.
 
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (abscbnpr) at bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE