News Releases

English | Tagalog

Zachary, ayaw mag-"dahan dahan" sa pag-ibig sa debut single

May 19, 2022 AT 11:41 AM

Zachary lets go of inhibitions in racy "dahan dahan" single, music video

New Star Music artist Zachary channels her sexy side in the official music video for "dahan dahan."

Baguhang singer, mapang-akit sa kakalabas lang na music video
 
Mapusok ang rising girl crush musician na si Zachary sa kanyang debut single na “dahan dahan,” kung saan proud niyang ipinakita ang sexy side niya sa music video ng kanta.
 
Si Zachary mismo ang nag-compose ng “dahan dahan,” na naimpluwensiyahan sa musika ng ama niyang si Gail Ignacio, ang dating drummer ng ‘90s rock band na Alamid, at ang ina niyang aniya ay isang ‘karaoke queen.’
 
Ipinapakita sa kantang ini-release ng Star Music ang emosyon ng babae na sobrang attracted sa isang tao na hindi niya magawang iwasan. Maririnig sa kanta ang malamig na boses ni Zachary at ang soft R&B beats.
 
“Tungkol ‘yung kanta sa kagustuhan na mas makilala pa ‘yung isang tao at magkaroon ng deep, passionate, at intimate connection sa kanya,” ani Zachary, na sinabi ring mensahe ng awitin na dapat kalimutan ang mga pag-aalinlangan pagdating sa pag-ibig.
 
Ini-release na rin ang music video ng “dahan dahan” kung saan makikita ang bagong Star Music artist na inaawit ang kanta habang mag-isa sa kwarto. Mapapanood din dito ang ilang eksena kung saan tila nakikipag-flirt siya sa isang kausap na lalaki.

 
Bago pumirma sa premier music label ng ABS-CBN, hinarana ni Zachary ang netizens sa pagu-upload ng mga cover ng kanta sa internet. Paminsan-minsan, nagco-cover pa rin siya ng mga kanta gamit ang TikTok (@zacharygail_). Para mas makilala pa si Zachary, sundan siya sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.
 
Mas painitin pa ang iyong summer playlist at pakinggan ang “dahan dahan” ni Zachary sa iba’t ibang digital streaming platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).