News Releases

English | Tagalog

Mga hurado ng 'Idol Philippines,' magpapasiklab ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

May 21, 2022 AT 01:11 PM

'Idol Philippines' judges shine with a sing-off on the 'ASAP Natin 'To' stage this Sunday

As one of the country's largest singing reality search is about to make its highly-anticipated return, join three of Idol Philippines' new resident judges Gary Valenciano, Moira dela Torre, and Regine Velasquez in a must-watch vocal sing-off

Abangan din ang birthday pasabog nina Zsa Zsa at Darren
Bumuhos man ang ulan pero tuloy-tuloy ang party tampok ang all-star concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya idols ngayong Linggo (Mayo 22) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Bago ang inaabangang pagbabalik ng isa sa naglalakihang singing reality search sa bansa, magpapasiklab muna sa ASAP stage ang tatlo sa bagong hurado ng "Idol Philippines" na sina Gary Valenciano, Moira dela Torre, at Regine Velasquez kasama sina Anji Salvacion, Shanaia Gomez, Fana, Miguel Ordon, Gello Marquez, iDolls, at ang "American Idol" Season 18 Top 5 contender Francisco Martin na may kasabay na surprise announcement ngayong Linggo.
 
Tuloy-tuloy ang kantahan sa Idol biritan ng New Gen Birit singers na sina JM Yosures, Reiven Umali, Sam Mangubat, Lara Maigue, at Sheena Belarmino; at sa new single launch ng nag-iisang Concert King Martin Nievera.
 
Maki-party rin sa dance hits kantahan at sayawan nina KD Estrada, Alexa Ilacad, Edward Barber, Vivoree Esclito, Jin Macapagal, Krystal Brimner, Jeremy G, Jayda, Erik Santos, Jason Dy, Ogie Alcasid, at ang buong "ASAP Natin 'To" family kasama si Luis Manzano at Robi Domingo.
 
Paiinitin naman nina Enchong Dee, Kyle Echarri, AC Bonifacio, at Chie Filomeno ang ASAP stage ngayong maulang panahon sa kanilang retro hatawan. Kiligin naman sa duet nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
 
At maki-celebrate sa bonggang pa-birthday blowout ng dalawa sa paborito ninyong ASAP stars, tampok ang todo-todong performance ni Darren kasama ang Legit Status dance crew, at ang bigating Divine Diva birthday medley ni Zsa Zsa Padilla kasama sina Martin, Regine, Klarisse de Guzman, at Karylle sa "The Greatest Showdown."
 
Talagang bubuhos ng saya sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
 
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.